Chapter 30

9 1 0
                                    

Chapter 30 - Without you

Ang mga hikbi nya ang bumalot sa madilim na kalangitan kasabay ng paghigpit ng yakap nya na tila ba ayaw na nya akong pakawalan pa.

Paano ko nga ba sya papatigilin sa pag iyak gayong ako mismo ay naiiyak nadin.

"Another chance Iana... please" paano ko sya bibigyan ng pangalawang chance kung una palang ay hindi naman nawala sakanya ang una? Oo marupok pero ganon talaga, mahal ko eh.

Noon Akala ko masaya kapag gusto ka ng taong gusto mo pero ngayon narealize ko na ang komplikado pala. Gusto nyo naman ang isat-isa pero may mga chances talaga na susubukin kayo.

Oo gusto nyo nga ang isat-isa pero sapat na ba yon para magkaroon ng kayo?

Yan ang katanungan na madalas bumisita saakin pag gabi.

Pinapakinggan ko lang ang pagiyak nya sa balikat ko na kaylanman ay hindi ko inakalang maririnig ko. Ang taong nasa tabi ko na kaylanman man ay hindi nagpakita ng emosyon sa ibang tao ay umiiyak dahil sakin.

"Tumigil kana sa pag iyak" sinapo ko ang mukha nya at kita ang pamumula ng matangos nyang ilong.

Nginitian ko sya at kahit nahihirapan ay ngumiti din sya. Kahit na umiiyak sya ay kita sa mata nya na masaya sya.

Hinawakan nya ang kamay ko na hawak hawak ang mukha nya. Dapat ba akong gumalaw o Ano? Tinignan ko ang oras at hindi pa naman kami ma l-late. Ngayon ko lang napansin na naka ayos na din sya. White tuxedo matching mine.

Ang linis nya tignan lalo na nagpa gupit sya at clean cut ito. Naka taas ang buhok nya at kita ang maputi nyang noo. Lahat ata sakanya ay maputi.

I wonder ano pa ang maputi sakanya.

"Are giving me a second chance?" Paos nyang tanong. Mukhang magdamag syang umiyak. Hindi ko lang talaga ma imagine na iiyakan ako ng lalaking to.

"Hindi ko alam" Alam ko naman talaga ang isasagot ko at gusto ko lang makita ang reaction nya.

Bumaba ang tingin nya sa lupa at narinig ko ang buntong hininga nya. Gusto kong matawa pero pinigilan ko ang sarili ko. Nilagay ko ang kamay ko sa bibig ko para hindi ako matawa at napansin nya kaagad yon.

Tumaas ang isang kilay nya at inalis ang kamay ko sa bibig ko.

"Bakit mo tinatakpan?" Tanong nya saakin.

Hindi ko naman pwedeng sabihin na natatawa ako dahil mahahalata nya na niloloko ko lang sya.

"By the way, you look so beautiful" lumapit sya sakin para hawiin ang isang hibla ng buhok ko na nakababa at inilagay ito sa likod ng tenga ko. Hindi ko mapigilan na mag react na tila ba parang may kuryenta na dumaloy sa katawan ko habang ginagawa nya yon.

Ngayon ko lang din napansin na hindi nya suot-suot ang salamin nya ngayon. Ang gwapo nya tignan may salamin man o wala.

Kung tatanungin kase ako ay gwapong gwapo talaga ako sa mga lalaking naka salamin. Ang talino kase nila tignan dahil baka pumula ang mata nila dahil sa sobrang pagbaba.

Basta yun ang mga tipo ko.

"Thank you" I managed to say that correctly at hindi pa utal-utal.

"I-ikaw din. G-gwapo" ngayon ay nauutal na. Sa sobrang hiya ko ay ibinaling ko ang tingin ko sa ibang direksyon.

Ilang sigundo palang ang nakakalipas ay hinawakan ni Adrian ang baba ko para igawi ulit ang tingin ko sakanya. I saw how amused he was while looking into my eyes.

I felt like my heart will burst in happiness while he looks at me. Sobra na nga ata ang panonood ko ng korea novela

Halatang pinipigilan nyadin ang tawa nya habang ako naman ay nahihirapan paano ko itatago ang kilig ko sakanya. Nakakailang pero sobrang saya ko.

Tell Me You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon