Chapter 42 - Home
The next thing I knew kayakap ko na si mommy at Kuya. I missed them. "Na miss ko kayo!" Sa sobrang higpit ng yakap namin sa isat-isa ay halos hindi na kami makahinga. Pero Ayos lang!
Andito din si Yjasmin at sinama nyadin si Rich. Wow I didn't think that he's gonna be this handsome.
"Missed us?" Lubos ang galak ko nung marinig ko ang boses ni Yjasmin. Wow I never thought I'd be this excited to see my friends. My home.
Habang niyayakap nila mommy si Kuya Iyu ay ako naman ay busy na makipag yakapan kay Yjasmin. This girl!
"I miss you bhiieeee" Konti nalang ay pipisilin ko na sya sa sobrang tuwa.
"Ako lang ba yayakapin mo? Naghihintay tong katabi ko oh" Nagulat naman ako nung mahina syang tinulak ni Rich. Natawa nalang ako dahil may hiya pa pala sya sa katawan
Marahan akong lumapit sakanya at niyakap sya. "Na miss kita" Mas matangkad sya sakin kaya ang pagbulong ko ay hanggang sa dibdib nalang nya.
Parang nag dalawang isip pa sya kung yayakapin nya ako pabalik pero niyakap nya naman ako at sinabing na Miss nyadin ako. Pagkatapos ng yakap ay nakita ko ang pamumula ng mukha nya. Hindi padin talaga nagbabago.
Pumasok na kami sa sasakyan at sa bandang likod kaming tatlo at nag chi-chikahan. Sa sobrang daming tanong ni Yjasmin ay hindi ata ako makakatulog sa gabi na to. Ayos lang naman dahil nakapag pahinga ako kanina sa eroplano
"Ikaw Yjasmin ang daldal mo. Di mo manlang inisip alas tres na ng madaling araw. Patulugin mo naman si Iana" pinanlakihan lang sya ng mata ni Yjasmin at nagpatuloy sa pagdaldal
Natawa ako dahil sa pagkairita ni Rich.
"Ayos lang naman ako kase natulog na ako kanina sa eroplano" Sabi ko kay Rich para mapanatag na ang loob nya na hindi ako Pagod.
Pagod padin naman sa byahe pero sa bahay ko na itutulog to. Hindi naman Mahirap mag adjust dahil pareho lang naman ang time sa pilipinas at Singapore. Sanay ako sa puyatan.
"Yun May naka da moves na agad!" Kumunot ang noo ko na tumingin kay Yjasmin habang sya ay tumatawa at hawak ang tyan nya.
Ang sama naman ng tingin sakanya ni Rich. Etong dalawa talaga na to hindi mapapatahimik eh.
"Hoy teacher Yjasmin. Manahimik ka at nandyan sa harap natin ang jowa mo" bigla naman syang napatahimik at tinignan ang Kanina pa masamang tingin ni Kuya Clave. Gusto kong matawa pero pinigilan ko dahil baka ako naman ang pag initan ni Kuya Clave.
"When kaya?" Bulong ko na ikinatawa naman ni Rich.
"Ilang taon na ba kayo ni Kuya?" Tanong ko kay Yjasmin. Nag kibit balikat lang sya na parang ayaw sagutin ang tanong ko. Hmmm grabe ah.
"Sige ganyan na pala. Nag sisikreto kana ah. Hindi ko manlang alam na kayo na pala ni Kuya" kunwaring pagtatampo ko sakanya
"Uy ano kase. Hindi ko naman alam na magtatagal kami nyang Kuya mo. Parang linta kase kung makadikit saken. Clingy eh!" Kunwari lang na naiinis yan pero sa loob nyan ay natutuwa sya dahil tumagal sakanya ni Kuya Clave.
Kahit ako din naman ay natutuwa dahil nakahanap na si Kuya ng katapat nya. Subukan nyalang talagang saktan si Yjasmin at mababaog talaga sya.
Sabagay hindi ko padin naman narinig kay Kuya ang balak nya tungkol sa pag aanak.
"So ilang taon na nga kayo?" Tanong ko ulit sakanya. Sa loob ng 5 years na nasa ibang bansa ako ay wala talagang nabanggit si Yjasmin tungkol kay Kuya. Na para bang iniiwasan nya na mabanggit ang pangalan ng Kuya ko.
"3 years" napapikit sya pagkatapos nyang sabihin yon.
Ibig sabihin tatlong taon nyang tinago sakin ang relasyon nila?! Edi wow!
"Nakakatampo talaga" kunwari ulit ay nagtatampo ako para naman kabahan sya.
Pinipigilan ko ang tawa ko at kita naman ay kaba sya mukha nya. Tinignan ko si Rich na nagpipigil din ng tawa. Sa mukha ni Yjasmin ay parang hindi na nya alam ang gagawin nya.
"It's a prank!" Sinamaan naman ako ng tingin ni Yjasmin at kiniliti ako bilang ganti.
"Rich tulungan mo ako!" Ang ingay na ng sasakyan ngayon dahil sa mga sigaw ko.
"Yjasmin tama na" pigil ni Rich at inilapit ako sakanya. Hindi naman mapigilan ng puso ko ang pag tibok ng mabilis. Bakit iba ang nararamdaman ko ngayon?
Pinagsawalang bahala ko ang mabilis at na pagtibok ng aking heart. Siguro ay naninibago lang ako dahil ngayon ko nalang ulit nakita si Rich. Tyaka ginagawa nyadin naman to noon. Baka nga ginagawa nyadin to sa girlfriend nya. Malamang. Maalaga naman talaga si Rich eh kaya hindi na ako magtataka kung naka ilang girlfriend sya nung nawala ako.
Teka bakit ko ba iniisip to?
"Rich may girlfriend kana?" Kahit ako ay nagulat din sa tanong ko. Tinignan kong mabuti ang mata nya at halata sakanya ang kaba.
May nakaka kaba ba sa tanong ko?
Tinanong ko lang naman kung may girlfriend na sya eh.
Unless wala? Imposible namang wala. Gwapo naman si Rich tapos matalino pa. Lakas din ng sex appeal nya eh. Kaya hindi ako maniniwala kung sasabihin nyang wala
"Wala" Wala? Nagulat ako sa sagot nya.
"Bakit naman?" Medyo may pagka chismosa ako sa part na yan pero curious talaga ako eh.
"Wala lang. Mas pinili ko kasing hintayin yung babaeng matagal ko ng gusto" matagal na nyang gusto? Ang swerte naman nung babaeng yon kung ganon.
Imagine isang Rich ang nakakandarapa sayo at matgal kapang hinintay.
"Sino ba sya?" Pati si Yjasmin ay curious nadin ay lumapit na sa upuan ko upang marinig ang usapan.
Sigurado ako na nasa school Lang namin ang tanong gusto nya.
"Ah Basta! Matagal syang nawala dahil umalis sya ng bansa. Kaya naman nung umalis sya inisip ko na hihintayin ko nalang sya kaysa maghanap ng ibang babaeng mamahalin. Malakas na nga siguro ang tama ko sa babaeng yon. Maganda sya at mahaba ang buhok. Bilog ang mata at mapula ang labi. Ang kutis nya ay maputi. Basta maganda sya"
Obvious nga na in love tong isang to. Habang nag ke-kwento ay nakangiti eh. May kislap pa ang mata nya. Kaylan kaya may magkakagusto sakin at ako naman ang hahabulin?
"Rich spill the tea! Asan na yung babaeng yon?" Usisa pa Lalo ni Yjasmin na parang hindi pa kuntento sa sagot kanina ni Rich. Hay nako feeling ko iniinis nyalang si Rich
"Kakauwi nyalang ngayon galing Singapore" tuloy tuloy nyang sabi na hindi inaalis ang tingin nya sa mga mata ko.
——————————————————————
Put a finger down kung lubog ang ship mo :)

BINABASA MO ANG
Tell Me You Love Me
RomansaI like you too. Four words that I want to hear from you. Gaano ba kahirap sabihing gusto mo din ako? It is hard to like me? Is it hard to be with me? Ryumi Iana Nuguid is a girl who knows what she wants. For her, life is too short and you must enjo...