Chapter 29 - Another chance
When I woke up I suddenly remembered that today is the day. Our students night. Kahit na mamayang gabi pa naman yon ay tumayo na ako kaagad. Syempre Kaylangan ko padin naman samahan sila mommy at daddy na mag umagahan.
Hangga ngayon ay ang alam padin nila ay nanliligaw padin saakin ni Adrian. Hinayaan ko nalang. Bahala na paano nila malalaman na hindi na sya nanliligaw saken.
Yun ang Alam ko.
Pero parang hindi padin sya talaga tumitigil...
Wanna know why? Quick flashback tayo
Its Friday at napilit ko si Yjasmin na samahan ako papuntang mall. Wala naman syang magagawa dahil sobrang mahal na mahal nya ako.
"Alam mo babae, may manliligaw ka naman pero sakin kapa nagpapasama. Ano ka, buntot ko?" Gusto kong matawa dahil sa pag asta nya ngayon. Hindi ko talaga alam anong pinakain sakanya ni Kuya Clave at naging ganito sya kadaldal
"Gaga! Wala na akong manliligaw no" pagkumpirma ko sakanya. Hindi nga pala nya alam ang mga nangyayari dahil nga sa absent sya lagi dahil sobrang talino nya. Sana all diba
"Tanga anong tawag mo kay Adrian at Rich? Lokaret ka sana all" umikot naman ang mata ko dahil sa sinabi nya.
"Hindi naman sila manliligaw" totoo kong sabi sakanya. Di talaga to updated sa life ko pero sa mga reklamo kay tulfo memorize. Pa tulfo ko to eh
"Ay maang-maangan teh? Ano to oscars?" Inirapan ko sya at binilisan ang pag lakad.
"Sandali lang naman! Porket sanay kang maiwanan mang iiwan kana. Wag ganon" bastos!
"Alam mo bago pa kita ihampas sa pader umayos kana Yjasmin ah. Nandito tayo para bumili ng damit hindi para usisain ang lovelife kong matagal ng bulok" Hindi ko talaga alam kung bakit trip na trip nya ang aking lovelife.
Wala naman! Life naman pero walang love.
Di naman ako bitter, medyo lang.
"Uy ang ganda non oh!" Hinila nya ako sa isang boutique and I was shock to see Adrian there and she's with Erika. Ano ba kasing relasyon ng dalawa?
Pwede naman silang umamin. Tapos na akong magbulagbulagan nakaka pagod nadin kase.
"Oh, so the almighty Adrian is here. Kaya naman pala hindi masamahan ang nililigawan may ibang nilalakad" Hinila ko si Yjasmin sa tabi ko at kinurot ko ang tagiliran nya para tigilan na nya ang mga sinasabi nya.
Nakakahiya baka Akala nila bitter ako ah.
"Oh hi! Andito din pala Kayo. Adrian is here to accompany me today. Sweet no?" Oo sa sobrang sweet langgamin sana kayo.
I wanna shout at them
But I held my voice inside. From the very start I know that Adrian will be the reason of my downfall, yet I loved him more than myself. Not really more than myself but I still love him. I'm not gonna lie, I still do.
Ilang araw palang naman kase ang lumipas. Sino naman ang makaka move on ng Ilang araw lang?
"Oo nga eh ang sweet. Kayo na ba?" Intriga ni Yjasmin. Magkunwari pa sya na kinikilig sa dalawa. This girl. Napailing nalang ako sa inakto nya at pinipigilan ang tawa. Ramdam kong gustong gusto nya nadin tumawa.
"Soon, right babe?" I smirked. Soon pala eh.
Hindi gumagalaw si Adrian at nakatayo lang sya don. He's breathing heavily and it's obvious that he's nervous. Nilalaro nya ang daliri nya at napansin nya kung paano ko sya titigan kaya naman tinigilan nya agad ang ginagawa nya at umayos ang tayo.
BINABASA MO ANG
Tell Me You Love Me
RomanceI like you too. Four words that I want to hear from you. Gaano ba kahirap sabihing gusto mo din ako? It is hard to like me? Is it hard to be with me? Ryumi Iana Nuguid is a girl who knows what she wants. For her, life is too short and you must enjo...