Chapter 32 - Hangover
Did i mention that after that night hindi na ako tinantanan ni Yjasmin?
I slowly touched my lips and the thought of Adrian kissing me entered my mind again. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko at sumigaw.
Ahhhhhhhhhhhhh, i hope they don't hear me.
Para parin akong sinasayaw sa mga ulap hangga ngayon. Hindi ko mapigilan ang pamumula ng mukha ko at paulit-ulit kong hinahawakan ang labi ko na parang hangga ngayon ay randam ko padin ang mga labi nya na nakdampi sa labi ko. Masyao na ba akong maharot?
Umiling ako sa aking sarili at inalis ang unan na kanina pa naka dagan sa mukha po para hindi nila makita o marinig ang mga ginagawa ko.
Tumayo ako at tinignan ang sarili ko sa salamin. Hindi pa naman siguro ako baliw para mag imagine ng ganon diba? Nangyari naman talaga yon diba? Paulit-ulit akong umiiling at di alam ang gagawin. Di ako makalabas ng kwarto dahil sure ako na mahahalata nila ako.
Inhale, Exhale. Kaya ko to. Nuba parang kiss lang Iana nababaliw ka dyan.
Pero hindi lang basta kiss yon kase galing kay Adrian yon!!! HUHU
Pumasok ako sa banyo na may ngisi sa mukha. Para akong lasing kahit hindi naman ako uminom.
Mahina kong sinampal ang aking sarili at kinausap ito sa salim. "Umayos kanga Ryumi Iana! Di pa naman siguro yon ang last diba?" Hala bakit parang sinasabi ko na gusto ko pa ng kasunod non?
dapat kona sigurong iwasan si Kuya Clave dahil nahahawa nako sakanya. Baka mamaya masabihan din akong playgirl.
Naghilamos nako gaya ng usual ko na ginagawa dahil yun naman talaga ang ginagawa ko. Naalala ko na linggo pala ngayon at wala naman gagawin kaya sigurado ako na nasa kwarto lang ako magdamag. Baka nga maghapon akong tulog eh.
Pagkababa ko ay si mommy at daddy palang ang andon.
"Oh ang aga mo atang nagising ngayon?" Tanong ni mommy na kasalukuyang nag ti-timpla ng kape para kay dad. Sobrang sweet padin n ila kahit na ang tagal na nilang kasal. If my realationship with my soon to be husband is not like my mom and dad then i don't want it. char
"Maaga ba mom?" Tanong ko dahil parang hindi naman. Late nanga akong umuwi kagabi at late nadin akong nakatulog dahil hindi ako pinatulog ng lalaking yon.
"Osya tawagin mo na ang mga kuya mo para makakain na tayo" late din sila nagising? Hmm hindi naman sila nag puyat kagabi ah. I smell something ah
Umakyat ako sa taas at una kong ginising si kuya Iyu na balot na balot. Ano bang mga pinanggagawa nito kagabi?
Pagkapasok ko ay dinaganan ko kaagad sya at laking gulat nya naman.
"Kuya bangonnn na dyan" Sigaw ko sa tenga nya at agad naman syang bumangon dahil iritang irita na sya saken. Ngumisi lang ako habang tinitignan nya ako ng masama.
"Alam mo ikaw panira ka sa magandang panaginip" ay galit na galit?
"Sige tulog kana ulet" Pang aasar ko sakanya.
"Pagkatapos mong gawin sakin yon? Eh kung bigwasan kaya kita tas sabihin ko wag kang umaray?" Ay wow harsh. Huhulihin na nya sana ako pero mas mabilis ako dahil nakatakbo na ako palabas at dumeretso sa kwarto ni Kuya Clave.
Kung ang mga babae nyalang ang pumasok dito ay sigurado ako na tuwang tuwa sila sa makikita nila. araw-araw mo ba namang makita si kuya na hubad. Ako nga umay na umay na eh wala namang abs. Ano to bulalo? Puro buto
Ginawa ko din kay kuya Clave ang ginawa ko kay Iyu pero ang pagkakaiba ay si Kuya Calve ay hindi madaling gisingin. Tulog padin sya kahit na naka dagan nako sakanya.

BINABASA MO ANG
Tell Me You Love Me
RomanceI like you too. Four words that I want to hear from you. Gaano ba kahirap sabihing gusto mo din ako? It is hard to like me? Is it hard to be with me? Ryumi Iana Nuguid is a girl who knows what she wants. For her, life is too short and you must enjo...