Chapter 6

29 3 0
                                        

Chapter 6 - Wipe your tears

Ang sarap pala sa feeling kapag yung taong tinitignan mo lang noon sa malayo ay malapitan mo na matititigan ngayon. Yung taong matagal mo ng gusto ay sa wakas napansin kana din.

Pero kahit na napansin na nya ako ay ang pangarap ko noon ay hangga ngayon pangarap ko padin.

Ano ba naman kaseng masama kung gustuhin ko ang isang Adrian Luiz Sullano. Oo sis kaylangan full name nya talaga para damang dama yung kagwapuhan ng name nya at syempre yung may ari den!

"Kayo na talaga ni Adrian?" Ang hirap talagang mag kwento sa slow. Para kang naghihintay ng barko sa airport.

Ilang beses ko na kasing kinwento sakanya ay hangga ngayon hindi nya padin gets.

Ano bang mahirap intindihin sa nagkunwari syang boyfriend ko para makaalis na ako doon.

Pero medyo masakit ah. Yung kunwarian lang lahat. Yung mas masarap pala mabuhay sa kanware dahil sa kunwari na yon ay naging kame. Pero wala eh, nandito tayo sa realidad kung saan hindi talaga ako yung gusto nya.

"Hindi nga kame. Nagkunwari lang sya para makaalis na ako sa madaming lalaking nagpapa picture saken sa labas" paliwanag ko ulit sakanya.

Pero malay mo soon diba. Hihi

Hindi pa naman ako susuko din paumpisa palang ako. Wala pa nga akong nagagawa eh. Ngayon lang kase ako nagkaron ng lakas ng loob na sundan sya odikaya kausapin sya.

Pero promise talaga, maglalakas loob na akong mag make move. 21st century nadin naman eh. Tyaka lets normalize girls doing the first move. Wala naman sigurong masama kung ako ang gagawa non.

Ayaw nyang gumalaw edi ako ang gagalaw. Ang hina nya pala eh.

"Ang tanong, alam ba ng mga fans nya na kunwarian lang ang lahat? Dahil kanina ko pa sila nakikitang naka tingin sayo. Kung nakakamatay lang talaga ang tingin ay sigurado akong ililibing kana"

Tumingin ako sa paligid ko at tama nga sya. Ang daming naka tingin sakin na mga fangirls nya.

Grrrr

Nakakatakot yung mga tingin nila. Hindi ko naman po inaagaw sainyo si Adrian dahil matagal na syang akin. Charot. Na May harot.

"Kung ako sayo Iana, iiwasan ko ang mga nakatingin sayo na yan" tinaasan ko sya ng kilay dahil sa sinabi nya.

Baket? May balak ba tong mga to na patayin ako?

"Masyado naman silang obsessed sa asawa ko"

"Wow ah. Nagsalita Iana"

Hehe. Ako din pala ay obsessed kay Adrian. Sorry na agad. Tao lang pero hindi halata.

Nung matapos na kaming kumain ay nag aya na ako kaagad kay Yjasmin na umakyat na kame. Baka kase pag pyestahan nanaman ako dito. Hindi lang nung mga lalaki sa ibang department pero pati nadin sa mga fans ni Adrian.

Nakakatakot kaya sila. Parang mangangain ng buhay eh.

Lahat ng gagamitin namin para sa booths next week ay ayos na. Natapos na lahat! Sa wakas. Akala ko talaga ay hindi namin matatapos dahil baka kulangin kami sa oras.

Niligpit na namin ang mga pinagkalatan namin dahil baka pagalitan pa kame at magkaroon ng violation ang section namen. Gusto ko nalang talagang umuwi ngayon at magpahinga. Sobrang nakakapagod ang araw na to. Mula sa nangyari kanina hanggang sa paggawa namin ng props.

"Iana, pinapatawag ka ni Ms. Canlas sa faculty" napabuntong hininga ako at tumango. Hindi pa pala tapos ang duty ko ngayong araw.

Baka papaalalahanan lang ako ni Ms. Canlas about dun sa beauty pageant. Hindi ko naman na kaylangang mag prepare dahil maganda na naman ako. Char.

Tell Me You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon