Chapter 8 - Tell me
The next day ay agad akong nagising. Hindi naman maingay. Actually sobrang tahimik nga dito.
Sa sobrang tahimik dito sa bahay nila Adrian ay parang ang sarap nalang mamahinga habang buhay. Charot.
Tumayo ako at dumretso agad sa cr ng guess room. Dahil wala akong toothbrush dito ay mouth wash nalang muna. Naghilamos ako at lumabas ng kwarto. Ayaw padin kasing masindi ng cellphone ko dahil nga basa padin ito.
Sana pala sinabi ko kay tita Kendy na ilagay sa bigas yung cellphone ko. Edi sana tuyo na sya ngayon.
I checked the clock and it's currently 5:30 AM. Hindi ko alam bakit ganito ako kaaga nagising ngayon, samantalang late na ako natulog kagabi.
Lumabas ako para magpahangin saglit at magtingin-tingin. Malamig kasi sa labas at dahil tag ulan ay talaga naman ramdam na ramdam ang mo ang lamig ng convo nyo. Ay este ng panahon pala hehe.
Umikot-ikot ako sa garden nila at nung mapagod ako ay umupo ako saglit sa isa sa mga bench. Nakaka relax talaga tignan ang mga bulalak. Ang ganda lang nilang tignan dahil sa kulay nila at parang gusto ko nalang maging bulalak. Para tignan din ako ni Adrian. Awit.
"Bakit ka nag iisa dyan?" Nagulat ako nung biglang magsalita si Kuya Oliver sa tabi ko.
"Wala naman po" medyo nahihiya ako dahil hindi naman kami close. Nakakahiya din dahil baka alam nya na may gusto ako kay Adrian. Sigurado akong aasarin din ako netong si Kuya Oliver kung sakali.
"Wag kanang mag po. Tatlong taon lang naman ang tanda ko sainyong dalawa ni Adrian" Sabagay.
"Sige"
"Bakit ka nga mag isa?"
Actually ako din hindi ko alam eh.
"Wala naman. Ang sarap lang tignan ng mga bulalak" tinignan ko sya na ngayon naman ay nakatingin saakin. Teka, ang awkward.
Nag iwas ako ng tingin dahil feeling ko ay napaka awkward na ng tinginan namin.
"Mas maganda kang titigan kaysa sa mga bulaklak na yan" para akong mawawalan ng hangin sa katawan dahil sa mga sinabi nya. Ano bang sinasabi nya?
"Ha?"
"Wala. Ang sabi ko maganda ka sana kaso bingi" hmp.
Ilang minuto din kaming tahimik habang tinitignan ang kalawakan.
"Alam mo ba kung bakit Oliver ang pangalan ko?" Bigla nyang tanong saakin.
Paano ko naman malalaman eh hindi naman ako ang may pangalan na Oliver.
"Baket?" Tanong ko nalang
"Oliver means olive tree in latin. The biblical olive tree symbolizes fruitfulness and beauty and dignity" ahhh yun pala yon.
Madaldal din pala sya. Meaningful siguro talaga para sa mga magulang ni Kuya Oliver ang pangalan nya. Bigla tuloy akong na curious kung anong meaning ng pangalan ni Adrian. Siguro meaningful din kagaya ng kay Kuya Oliver.
"Ikaw, Bakit Ryumi Iana?" Nagulat ako na alam nya ang full name ko.
"Ah yung Iana lang yung may meaning don. It means god's gracious gift. Ako lang kase ang nag iisang babae sa aming magkakapatid eh. Kaya siguro yon na ang ipinangalan saakin" yun kase ang sabi saakin ni mama.
Si Kuya Clave at Kuya Iyu ay hindi ko alam anong meaning ng mga pangalan nila.
"You're a precious gift from above. Kaya kapag hindi ka inalagaan ng kapatid ko ay hindi ako magdadalawang isip na agawin ka sakanya" Ha? Teka, paano naman napasok sa usapan si Adrian dito?
BINABASA MO ANG
Tell Me You Love Me
Lãng mạnI like you too. Four words that I want to hear from you. Gaano ba kahirap sabihing gusto mo din ako? It is hard to like me? Is it hard to be with me? Ryumi Iana Nuguid is a girl who knows what she wants. For her, life is too short and you must enjo...