Chapter 36 - Yours to claim
Ilang oras lang makalipas ang nangyari sa bahay namin ay narinig ko ang balitang nasagasaan daw si Erika. I don't know if it's one her shows but I don't wanna be insensitive. Pinapunta doon si Adrian dahil sya daw ang hinahanap ni Erika.
Expected naman sakanya na sya agad ang hahanapin
Ayoko narin makeelam
Lunes na ngayon at buong araw kahapon ay nasa bahay lang ako. Wala din akong ganang kumain at Ilang araw nadin kaming hindi nag uusap nila Kuya.
Ayaw ata nila akong harapin
"Uy Iana narinig ko yung nangyari" imbes na sagutin si Yjasmin ay nginitian ko lang sya.
Wala pa akong ganang mag kwento Kahit kanino. Ayokong pangunahan ang nararamdaman ko. Ayoko naman na habang nasasaktan ako ay i k-kwento ko pa. Para konadin binuhusan ng alcohol ang bagong sugat ko kung ganon.
Baka kapag nagsalita ako ay maamoy nila ang nabubulok ko na hininga dahil Ilang oras na akong walang imik.
"Uy magsalita ka naman. Nag aalala na ako sayo" hangga ngayon ay ginugulo padin ako ni Yjasmin. Hindi pumasok si Adrian ngayon at obvious naman kung bakit.
Siguro binabantayan nya si Erika
Who knows what really happened to her. Ni hindi ko nga alam kung nabuhay ba sya. I told my mom that I don't wanna hear a single news from her.
Ang immature siguro para sa iba pero iba kase yung impact saken eh. I was fooled
Natapos ang lunch time namin na hindi ako kumakain. Wala din naman akong gana
"Sabihin mo lang sakin kung anong gusto mo ha? Andito lang ako" sinakbit nya ang kamay nya sa kamay ko at hinila na ako pabalik sa room. Ganon lang sya sakin maghapon
"Maam hindi po maganda pakiramdam ni Iana kaya hindi po sya makakapag participate sa recitation today" Ha? Ayos Lang naman. Magsasalita na sana ako at sasabihin na ayos lang pero naka Oo na agad si maam.
Hindi ba parang unfair yon?
Tyaka kaya ko naman
"Yjasmin, sana hindi mo na ginawa yon" tumingin sya sakin at nanlaki ang mata. Napano tong babaeng to?
"Omg! Iana! Omg! Nagsalita ka!" Tinakpan ko kaagad ang bibig nya dahil ang ingay na eh. Nakaka istorbo na sya ng klase. Baka mapalabas pa kami eh
Ang OA nya talaga
Nginitian nya ako bago ibalik ang tingin ko sa board kung saan nagtuturo ang teacher namen
Nakinig nalang ako at inalis sa isip ko ang ibang bagay. Ayoko naman pabayaan ang pag-aaral ko.
Pagkatapos ng buong klase namin nung hapon ay sinamahan din ako ni Yjasmin. Nag offer sya na ihahatid nalang daw ako pero susunduin na ako ni Kuya eh. Ayoko naman na baka maghintay sya dito.
Nakaalis na sila Yjasmin at inaantay ko padin si Kuya.
Ilang saglit lang ay nandyan na din si Kuya Clave.
Hindi ko alam paano ko sya haharapin. Wala naman syang ginawang masama pero the fact na alam nya ang mga nangyayari pero wala silang sinabi sakin, nakakatampo. Sana sinabi nalang nila na fix marriage.
Para di ako nag expect na mahal nya ako.
Pagkasakay ko ay pinaandar nya kaagad ang sasakyan. Hindi nya din siguro alam kung anong sasabihin. Wala naman dapat sabihin eh. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit nagaantay ako ng sasabihin ni Kuya.
Maybe I'm expecting a sorry from him.
Na siguro nga May tampo ako sakanilang dalawa ni Kuya Iyu. May mga tanong akong alam kong sila lang ay may lakas ng loob sumagot.
"Iana, I'm sorry" Nagulat akong napatingin sa mirror at nagkatinginan kami ni Kuya.
Yun lang naman ang hinihintay ko Kanina pa.
"Sorry if we didn't tell you. Hindi naman talaga dapat namin sasabihin sayo kase mukhang mahal ka naman talaga ni Adrian. That was a huge mistake. I'm sorry. Hindi ako magdadahilan dahil alam kong may kasalanan talaga ako" tuloy tuloy na sabi ni Kuya Clave.
Pinigilan ko ang sarili ko na umiyak. Ayoko na maging drama queen. Tama na yung pag iyak ko kahapon.
Baka maubusan na ako ng tubig sa katawan kapag sobra na yung iniyak ko.
"Okay na yun Kuya. Siguro nga Eto lang yung hinihintay ko. Yung sorry galing sainyo. Nakakatampo naman Kasi talaga. Kayong palang lahat may alam habang ako walang ka alam alam sa nangyayari sa paligid ko" i chose to forgive them. Pero si Adrian?
Ewan ko.
Hindi ko pa nga siguro kayang harapin yung taong nagpaniwala sakin nung una na mahal nya ako.
Alin ba dun yung totoo? Saan bang parte yung totoo? Para yun naalng yung babalikan ko.
"Oo nga pala, Sabi ni mama pupunta tayo sa hospital" kununot ang noo ko na naka tingin sa mirror. Nagkatinginan ulit kami ni Kuya. Ano naman gagawin namin sa hospital?
"Anong gagawin natin don? May sakit ba si mama?" Tanong ko. Imposible naman na may sakit si mama.
"Iana, pupuntahan natin si Erika" wow how insensitive.
Makakahindi ba ako? Pinlano na nila ulit eh. All I want is to have peace. Bakit ba paulit ulit padin nilang pinupulot yung babaeng yon? Paano naman ako? Paano naman yung buhay kong nananahimik tapos bigla nyang ginulo?
"Ayoko Kuya" Narinig ko ang buntong hininga ni Kuya. Alam ko naman na sasabihin ni mama para sakin nanaman to. Bakit ba pala desisyon sya sa buhay ko?
"Iana, intindihin nalang natin si mama. Close friends Sila ni Tita Kendy. Siguro pupunta lang tayo don para kay Tita Kendy. Hindi mo naman kaylangan makita si Erika eh" I doubt.
Mama can call Tita Kendy. I'm sure mommy just wants me to be okay with Erika. Which will never happen because I can't forgive someone who destroyed my peace of mind
"Paano naman ako Kuya? Bakit kaylangan Sila laging yung iniintindi? Hindi ba nila maintindihan na mahirap pa para sakin ang lahat? Buong buhay ko sinunod ko si mommy kase I don't wanna be labeled as bastos kase hindi naman ako ganon pinalaki nila mama eh. Pero hindi din nagpalaki si mama ng anak na mahina Kuya. But right now, I can't handle everything that's happening. Sana kahit yun lang maintindihan nila. Na tao din ako"
Hindi ko na tinignan ulit si Kuya at bumaba na sa sasakyan dahil andito na kami sa Bahay.
Hindi ko na sinabi kayla mama na nasa bahay na ako. Dumeretso na ako kaagad sa kwarto ko. Ayoko muna silang harapin. Ayoko munang humarap sa Kahit sino
Ako lang muna
Sarili ko muna
——————————————————————
:((

BINABASA MO ANG
Tell Me You Love Me
Roman d'amourI like you too. Four words that I want to hear from you. Gaano ba kahirap sabihing gusto mo din ako? It is hard to like me? Is it hard to be with me? Ryumi Iana Nuguid is a girl who knows what she wants. For her, life is too short and you must enjo...