Chapter 48

17 1 0
                                        

Chapter 48 - Comeback

Totoo palang nangyayari to sa totoong buhay. Kahit gaano mo kamahal ang isang tao ay kung hindi kayo pwede ay hindi pwede. Mahirap kalaban ang tadhana.

Nakatulala lang ako sa kawalan habang hinihintay sila mommy. Today is the grand opening of the coffee shop. I'm expecting him to come pero parang hindi. Naghahanap nanaman ata ako ng ikakasakit ko

Ayos lang naman kung hindi sya pumunta. I mean hindi naman required na kaylangan andito sya. Today is gonna be a busy day at baka nga hindi ko na mamalayan pa sino ang mga pumupunta.

Pumunta ako sa kitchen saglit para makita kung ano na ang kaganapan doon. So far nakikita ko naman na maayos ang lahat at malaki ang tiwala ko sa mga staff ko. It's also been 1 month magmula nung umuwi ako at makita ko sya.

Bakit ba lagi nalang syang nababanggit? Umiling ako at lumabas.

Tutulong ako dahil hindi ko inaasahan na ganito kadami ang pupunta. Hindi man sya ganon kalaki ay sapat na para sa start ng small business ko.

"Anong table yan? Ako na" Sabi ko kay Karleen na isa sa mga waitress namin dito. We also offer summer job dahil alam ko gaano kahirap maging working student. Kahit spoiled ay naghirap din naman ako lalo na sa ibang bansa

"Triple chocolate cake table 9 po" tumango ako at kinuha ang tray kung nasaan ang cake na order nya

The costumer did not even order drinks. Baka water lang sya?

"Here's your order sir" Nagmamadali kong nilapag ang cake nya sa table na hindi man lang napapansin ang mukha nya. Nag angat ako ng tingin para sana tignan sya pero nagulat ako sa aking nakita

"congarts" he simply said and took the cake

Deretso lang akong nakatayo at hindi alam ang sasabihin. I should start with thank you right

"Salamat" ngumiti ako sakanya at umalis dala dala ang tray na pinaglagyan kanina ng cake. That was awkward

Baka naman nabasa nya ang isip ko na gusto ko syang makita kaya pumunta sya. Ugh! Ano bang iniisip ko? I should go back inside the kitchen. Baka mamaya din ay umuwi na sya

Nilagay ko ang apron ko at kinuha ang mga ingredients na kaylangan ko sa lulutuin ko. I'm gonna cook for myself dahil gutom na ako. Kaninang umaga pa ako walang kain

Pero bago paman ako makapag umpisa ay may humila na kaagad sakin palabas

"Bakit ka pumasok don eh bawal ka naman don" I said at mukhang wala syang pakeelam

Hindi padin sya tumigil sa pag hila saakin hanggang sa maka labas na kami sa coffee shop. Saan nya ba ako dadalhin.

"Ano ba! saan mo ba ako dadalhin?" May kasama na iritasyon sa boses ko

"I'll take you somewhere to eat" Unti-unting nawala ang iritasyon at natunaw ang inis

Bakit nya naman ako dadalhin sa ibang lugar kung pwede naman na ipagluto ko ang sarili ko.

"Mas tipid kung sa shop nalang. Marunong naman akong magluto" napabuntong hininga sya na parabang may pinapahiwatig syang iba sa kinikilos nya.

"Hindi mo padin ba naiintindihan ang gusto kong mangyari?" Tanong nya.

Paano ko maiintindihan kung ayaw naman nyang ipaintindi saken. Ang gulo din netong kausap.

"Alam mo bahala ka dyan" inalis ko ang pagkakahawak ng kamay nya sa kamay ko. "Babalik ako don at doon ako kakain" Sabi ko "at Ikaw dyan kalang! Wag mo akong susundan" habol ko pa bago dali-daling umalis doon

Hindi pa ako nakakalayo ay naramdaman ko na ulit ang paghila nya sa kamay ko

"Iana, gusto kitang makasama" habol hininga sya habang sinasabi yon.

"Hindi mo pa ba naiintindihan ang lahat?" Tanong nya habang naka kunot ang noo

"Gusto kong ibalik ang dating tayo. Gusto kita!" Napailing sya sa sarili nya.

"No, I don't like you Iana" tinitigan nya akong mabuti sa mata

"I don't like you because I know that I love you" bumilis ang pag hinga ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa tuwa o dahil sa kaba.

Flashbacks of Erika kept creeping inside my mind. Hindi mawala sakin yung baka gawin nya ulit yung ginawa nya noon.

"What about Erika?" I asked while looking down. Hindi ko sya matignan ng diretso dahil alam kong isang tingin nyalang ay lusaw kaagad ang pagdududa ko. Isang ngiti nyalang sakanya ulit ako.

Pero naisip ko, sakanya naman talaga ako. Hindi naman ako nawala sakanya.

"What about her? There's no Erika, Iana. Alam mo kung ano lang yung Meron? You and me, together" inangat nya ang tingin ko sakanya. He really knows how to make me look at him.

He knows me so well that sometimes it's scaring me.

"I'm not gonna hurt you again. I'm not planning to hurt or leave you. Ang nasa plano ko lang ay pakasalan ka at magka pamilya kasama ka" I closed my eyes and began to cry.

Ngayon ko lang naramdaman yung sobrang saya na maiiyak ka nalang. I'm emotional but this is the first time I cried because of joy.

"You don't know how miserable I am when I heard that you're flying to another country just to escape from me. But you know what? You can't escape from me. You're locked here forever" itinuro nya ang puso nya at nginitian ako.

Ang corny pala talaga pag in love

Sasabihin ko na din sanang mahal ko sya nung biglang naglikha ng ingay ang tyan ko.

"Nakalimutan kooo. Tara na" hinila nya ako sinakay sa sasakyan nya.

He's so successful now. I'm so proud

Tinignan ko lang sya habang nagmamaneho sya. I can't help but stare at his handsome face. Paanong nagustuhan ako ng taong pinapangarap ko lang noon?

We started off as Iana and Adrian who doesn't know each other. He never laid his eyes on me but when he did, my world just stoped.

Anong mabuting nagawa ko noon para biyayaan ako ng ganito ni lord. Tumawa ako sa iniisip ko at bigla namang napatingin saakin si Adrian na nag tataka kung bakit ako tumatawang mag isa.

Imbes na sagutin ang obvious nyang tanong ay kinuhanan ko nalang sya ng picture at pinost iyon sa IG ko

@r_iana : greatest comeback :)

—————————————————————

Merry Christmas and Happy New Year!

Tell Me You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon