Chapter 21 - Choices
Hindi ko alam ilang beses akong bumuntong hininga ngayong araw na to. Paano ba naman kase ayoko nga ipapagawa pa saken.
"Ryumi Iana, hindi ako nakikipag biruan sayo" eh hindi din naman ako nakikipag burian eh. Hindi naman nila ako mapipilit ang bagay na ayaw kong gawin. Napaka lang eh.
"Mommy, Ayoko ka po" ngumiti ako at sinarado ang pintuan ko sa kwarto. Haysttt
Ayoko nga kaseng magpa makeover! Ayoko! Ayoko! Ayoko! Bumuntong hininga ulit ako at humiga sa kama. Next week na kase ang pageant at na orient na kami about don. Ang rehearsals namin ay tapos nadin dahil minadali nalang nila. After kase ng foundation week last week ay buong linggo lang akong nag pa-practice ng lakad ko.
Ayoko naman kaseng matapilok habang naglalakad
Buong linggo din nanonood sakin si Adrian kaya naman mas lalong nakaka ilang.
Bigla nalang nag ring ang phone ko dahilan para mawala ang isip ko sa makeover tingi nayan.
Hindi ko na binasa ang caller ID at sinagot ko nalang agad.
[Hello] Masungit na sagot ko.
Sino ba kasi to? Gabing gabi tumatawag!
[Love] putcha. Bigla akong napaupo at tinignan kung sinong tumawag. Si Adrian.
Well sya lang naman ang tumatawag saking love duh.
[Oh?] sungit ba?
Narinig ko ang mahina nyang pagtawa. Anong tinatawa-tawa neto? Mukha ba akong nakikipag biruan sakanya. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko dahil kahit na matagal ko na alam ang number nya ay ngayon lang kami nagka usap sa phone.
[Tumawag sakin si tita] automatic naman na napa ikot ang mata ko at bumuntong hininga ulit. Si mommy talaga. Gagamitin pa si Adrian para mangyari ang gusto nya.
Alam na din kasi nila na may gusto ako kay Adrian.
Ang weird lang kase alam kong gusto ko sya pero nagpapa bebe padin ako. Syempre ako naman magpapa hard to get no. Ang daming sakit ang dulot sakin ng isang Adrian Sullano na yan.
[Kahit ikaw pa ang pumilit sakin ay hindi mo ako mapipilit Adrian Luiz Sullano] seryoso kong banggit sakanya. I heard him curse softly and that made my heart beat faster. He's really driving me crazy.
[My love, tita just wants the best for you. Don't you want to be beautiful on that day?] tumaas ang kilay ko. So anong sinasabi ng lalaking to? Na hindi ako maganda.
[Hoy Adrian. Tigil-tigilan mo ako kaka love mo dyan. Hindi mo ako mapipilit kaka ganyan mo. Baka gusto mong bigwasan kita] napatawa naman sya sa sinabi ko. Hindi na nya ako pinilit at buong gabi nalang kami nag kwentuhan
Hindi nya padin ako tinitigilan sa kaka love nya at lalo naman akong nahuhulog sa mga tawa nya.
Nako Adrian matagal na akong mahulog dyan.
Umiling ako sa sarili ko at tumingin sa harap ng salamin. Siguro nga kaylangan kong mag ayos pa dahil maganda naman ako pero syempre mas gaganda ako kung aayusin ko ang itchura ko. Wala naman masama kung mag aayos ako.
I smirked and went inside the bathroom to take a quick bath before going to bed. Hindi na ko kinatok ni mommy dahil alam nyang hindi nya ako mapipilit.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay nakita ko nanamang si Kuya Clave sa kama ko na binabasa yung librong naiwan ko sa night stand ko.
"Ano nanaman ginagawa mo dito Kuya?" Sinarado nya ang libro at tinapik ang gilid ng kama ko. Umupo ako doon at niyakap nya ako ng mahigpit

BINABASA MO ANG
Tell Me You Love Me
RomanceI like you too. Four words that I want to hear from you. Gaano ba kahirap sabihing gusto mo din ako? It is hard to like me? Is it hard to be with me? Ryumi Iana Nuguid is a girl who knows what she wants. For her, life is too short and you must enjo...