Chapter 12

26 2 0
                                        

Chapter 12 - Foundation day

Sobrang init dito sa loob ng Horror booth. Ngayon kase ang first day ng foundation anniversary ng school kaya naman gagawin ang lahat para sa grades.

Nung sabado at linggo ay wala naman masyadong ginawa dahil wala din naman si mommy at daddy. Kami kami lang din nila Kuya at tinulungan nila ako sa costume na isusuot ko ngayon.

Pag naman hindi pa ako nagmukhang sadako ay talagang ipapalupot ko kay Adrian ang binili kong wig na kamahal para lang dito. Kala mo professional talaga eh

Lumabas muna ako sa booth namin at pumunta sa likod para magpahangin. Sobrang init kase netong costume ko. Kanina lang ay nasabunutan pa ako dahil dun sa sobrang takot ng isang estudyante.

Hindi paba perfect nyan ang performance task namin? Kalmot at galos?! Check na check! Kala mo talaga kakainin namin sa sobrang takot eh

Konti nalang talaga ay sabunutan at bugbugin kami. Hindi ko alam baka nga wala na akong buhok sa pageant eh.

Pagkaupo ko ay inalis ko agad ang magulo kong wig na muntikan pang mahablot kanina sa pagkaka sabunot nila saakin.

"May tubig ba tayo dyan?" Tanong ko sa isa sa mga kasamahan namin. Si Yjasmin kase ay nasa loob pa at hindi ko alam anong ginagawa nya.

Basta ang alam ko ay sya ang nagbibigay ng ticket sa mga gustong mag try. Wow Sana all nagbibigay lang ng ticket.

Si Adrian naman ay nawawala. Ewan ko kung saan nagsoso-soot ang lalaking yon. Kung kaylan pa naman foundation day na at kaylangan na kaylangan sya.

Bahala sya kapag may mga nangyari talaga at wala sya.

So yon ang dami ko na nasabi pero yung tubig ko wala pa.

"Rich ano may tubig baaa??" Tanong ko ulit.

"Chill kalang madam! Eto na po yes may tubig na" inabot nya sakin ang mineral water na binili nyapa ata sa canteen dahil wala kaming tubig dito sa mismong booth namin.

"Ang init agad ng ulo eh" inirapan ko lang sya at hindi na pinansin.

Si Rich gwapo sya at mabait talaga, ang kaso lang ay sobrang pilyo at babaero nya. Minsan kapag kasama ko sya na naglalakad sa university ay may bigla nalang sasampal sakanya dahil daw nambabae sya o di kaya may bigla nalang hahablot sakanya paalis.

Araw-araw iba-iba ang kasama neto. Matinik kung matinik.

"Tigilan moko Rich mainit" kinuha nya ang pamaypay sa bag nya at inumpisahan akong paypayan.

"Anong trip mo?" Hindi naman kase sya ganyan. Wait nga! Wag nyong sabihin na nilalandi nyako?! Aba aba cannot be!

"Wala naman. Gusto ko lang magpalakas sayo" Ano daw? Sure ball na nga na nilalandi nyako.

"Alam mo Rich kung lalandi ka, wag ako" natawa ata sya sa sinabi ko dahil napahinto sya sa pagpaypay.

"Masyado ka namang assuming Iana! Hindi kita type at isa pa, wala akong time habulin ang isang taong busy habulin ang iba" he smirked and left me there.

Habulin ang isang tao na busy habulin ang iba?...

Si Adrian ba?

Inalis ko sa isipan ko ang sinabi nya at bumalik na sa loob.

Sakto naman na nandon na sa loob si Adrian at Erika. Magkatabi sila ngayon habang nag uusap.

Habulin ang tao na busy habulin ang iba....

Busy habulin ang iba...

Shet! Kanina pa nag e-echo sa utak ko yung sinabi ni Rich! Bakit pa nya kase kaylangang sabihin yon? May alam kaya sya kay Erika at Adrian?

Tell Me You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon