Chapter 5 - A change of heart
Pagkauwi ay pareho padin naman ang set up dito sa bahay. Si mommy na nagluluto at si daddy naman ay nagbabasa ng kung ano-ano. At ang dalawa ko namang mababait na kuya ay babad sa cellphone.
Sila pa? Eh mga social media freak ata yung dalawang yan. Sobrang halaga para sakanila ng subscribers/followers nila.
"Kuyaaaaaa!!! Baba na kakain na daw" parang gusto ko silang hampasin dahil hindi naman sila nababa sa isang tawag lang. Ako nanaman mapapagalitan neto kay mommy eh.
Nung nainis na ako kay nilapitan ko na silang dalawa para sabay sabay na kaming kumain.
Pagkaakyat ay vualla! Tama ako. Babad parin sila sa cellphone nila. Dahan dahan akong naglakad para hindi nila ako makita dahil naka talikod sila sakin.
Nung nakalapit na ako sa lugar ni Kuya Clave ay nagulat ako sa nakita.
"Kuyaaaa ahhh. Susumbong kita kay mommy!" Bigla akong tumakbo dahil nahuli na ako ni Kuya. HAHAHA
"Iana lumapit ka dito!" Sigaw ni Kuya habang tumatakbo ako. Akala nya ah. Matagal na pala syang may pagnanasa sa bestfriend ko hihi.
Sa sobrang bilis ng pagtakbo ko ay hindi ko namalayang nakababa na pala kaming dalawa. Napatingin tuloy saamin si mommy at daddy na ngayon ay nagtataka anong ginagawa namin. Napatigil nalang rin ako dahil bawal na bawal para kay mommy na may nagtatakbuhan sa dining.
Baka mahambalos pa ako ni mommy.
"Nahuli din kita" naramdaman ko ang biglang pag hila saakin ni Kuya at pagtakip nya sa bibig ko. Ano to? Kidnapping. This can't be!
"Hoy hoy hoy! Bitawan mo ang kapatid mo. Magkakasakitan nanaman kayo" buti nalang andyan si mommy na laging to the rescue. Kaya love na love ko yan eh.
Si daddy naman ay bumalik na sa pagbabasa.
"Ma! Pagalitan mo nga tong si Iana, Napaka chismosa. Kung may katawang tao ang chismis, Ryumi Iana ang pangalan non" inirapan ko lang sya saka umupo sa dining table.
Chismosa lang ako pero hindi ko naman sya pangungunahan sa pagamin kay Yjasmin. Subukan nyalang talagang saktan ang bestie ko at makakatikim sya ng mag asawang sampal saken.
Sumunod nadin saamin si Kuya Iyu dahil alam kong narinig nya kaming dalawa ni Kuya na naghahabulan. Inggitero din ang isang iyon eh.
Pero kung Lalaki lang talaga si Kuya Iyu at baka nakabuntis na yon. Sobrang lakas nya sa mga babae, kaso ngalang bayut sya. Hayyy. Sayang ang lahi naming mga Nuguid kung hindi nya ikakalat. Buti nalang talaga at matinik din sa mga babae itong si Kuya Clave.
Si Kuya Clave pa? Eh every month nga nagpapalit yan eh. Kaya goodluck talaga kay Yjasmin dahil mahihirapan sya. Taming Clave Nuguid is not gonna be easy.
Pero alam ko na kung gusto may paraan at kung ayaw, edi wag! Madali naman akong kausap.
"Iana, nag message sakin ang teacher mo at sinabing isasali ka daw dun sa beauty pageant sa school mo" nasabi na pala ni Ma'am sakanya.
Dapat ay ngayon ko palang sasabihin pero mukhang naunahan ako.
"Opo Mommy. Hindi naman po talaga dapat ako sasali dahil ayoko naman po talaga sa mga ganyan. Napilit lang din po ako kaya kung ayaw nyo ay pwede ko namang sabihin kay Ma'am Canlas na hindi nyo ako pinayagan. Sure naman ako na may mahahanap silang mas maganda saken"
Here I go again. Lagi ko nalang dino-down ang sarili ko. Siguro nga ganon talaga kapag hindi ka lumaki na exposed sa mga tao.
I grew up here in Manila with my mom and dad pero never akong nagkaroon ng childhood bestfriend. Siguro nung high school ako pero noong bata ako ay wala.

BINABASA MO ANG
Tell Me You Love Me
RomanceI like you too. Four words that I want to hear from you. Gaano ba kahirap sabihing gusto mo din ako? It is hard to like me? Is it hard to be with me? Ryumi Iana Nuguid is a girl who knows what she wants. For her, life is too short and you must enjo...