Chapter 16

60 2 0
                                        

Chapter 16 - Use me

Gosh Adrian Sullano! Stop confusing me.

Gusto ko syang sigawan. How can I move on kung hindi naman naging kami in the first place? Is that even possible?

I know myself and i also know that I can't handle my feelings well. Alam ni Yjasmin yan dahil buong high school life ko ay wala akong ginawa kundi puro Adrian Sullano.

Bigla ko tuloy naalala nung sumali ako sa library club dahil member don si Adrian. That was super hilarious because I'm not really the girl who likes to read books but because of Adrian, I started to like literature and books.

Gaano ngaba kabaliw ang isang Iana Nuguid sa isang Adrian Sullano? Hindi ko din alam eh. Mismong si Iana Nuguid na nasa harapan nyo ngayon ay hindi alam ang dahilan kung bakit baliw na baliw sya kay Adrian.

Teka nga! Bakit ko ba kinakausap ang sarili ko?

Wala narin talaga siguro akong makausap dahil busy pa sa booth namin si Yjasmin. Ako naman ay maaga akong natapos dahil wala naman nang pumupunta sa pwesto namin. Tyaka pagod nadin ako.

May pupuntahan rin kase ako mamaya para sa pageant. Nakalimutan ko na kaylangan ko pala ng heels na isusuot dahil hindi naman pwedeng rubber shoes ang suot.

Hindi kase ako yung tipo ng babae na puro heels ang hilig. Actually, wala akong ganon kaya bibili palang ako mamaya.

Hindi ko panga alam kung anong i pe-perform ko sa talent portion eh. Siguro tatanungin ko nalang si Yjasmin kung anong magandang gawin dahil sya naman talaga ang nakakaalam ng mga hidden talents ko.

"Bakit mag isa ka dyan?" Napalingon ako sa lalaking nagsalita sa gilid ko.

Kaylangan ko pabang sabihin kung sino tong asungot na to? Parang hindi na naman kaylangan.

"Wala kang pakeelam, Rich" harsh na kung harsh pero kung saan saan na kasi sya sumusulpot. May lahi ba tong dolphin?

"Ouch naman crush! Why so rude to me?" Nag make face pa sya na parang ang lungkot nya habang hawak hawak ang dibdib nya gamit ang kaliwa nyang kamay. Dramatic talaga ng isang to.

Umiling ako at itinuon ang pagiisip ko sa ibang bagay. Sa mga mas importante. Hindi ko na muna dapat iniisip yung Adrian na yon dahil sumasakit lang ang ulo ko.

"Pwede ka namang magsabi saken eh. Alam mo, hindi maganda na kinikimkim sa sarili ang mga problema dahil kabang napuno ka at sumabog yan ay mas malala. Kaya sabihin mo na bago pa sumabog yan na mag isa ka" I sighed and looked at him. Maybe he's right.

Hindi naman sya totally problema pero pinoproblema ko sya. I don't want to keep it to myself dahil parang nakakasakal din.

Hindi ko padin to nasasabi kay Yjasmin dahil alam ko namang anti-Adrian yung isang yon.

"Hindi ko nadin alam. This past few days parang ang gulo nalang ng buhay ko. I mean hindi naman kami magulo sa bahay pero yung puso ko mismo yung magulo. Alam mo yung isang bagay na matagal mo nang gusto? Parang ang lapit ko na makuha pero na f-feel ko na ang layo-layo nya pa. Na Kahit andyan nalang sya hindi ko pa sya kayang abutin" does that even make sense?

Hindi ko alam. Basta lumalabas sa bibig ko lahat ng gusto kong sabihin. Lahat ng katanungan dahil sa Totoo nalilito nadin ako sa nararamdaman ko.

Alam ko namang bata pa ako pero hindi naman ibig sabihin non ay hindi na ako pwedeng makaramdam ng ganito.

Nakakalungkot lang na pati sarili ko hindi ko na maintindihan

"Hulaan ko. Si Adrian to no?" Nung Tumango ako ay napatawa nalang sya.

Parang kilalang kilala na nya talaga ako.

Ganon ba talaga ka obvious yung pagkaka gusto ko kay Adrian. Laging may nagsasabi sakin na hindi daw sya worth it gustohin pero makulit tong puso ko eh.

Ilang beses akong nag try na ibaling ang pagkagusto ko sa iba pero sakanya parin talaga yung bagsak ko.

"Alam mo, isipin man natin, hindi padin natin talaga alam kung bakit natin nagustuhan ang isang tao. And maybe you like him just because you do. Hindi naman kaylangan may explanation. You're just gonna feel your heart beating for him and that's totally fine. Pero kung unhealthy na for you then I suggest that you need to stop"

Wow. Words of wisdom ba to galing kay Rich? First time ah.

"Paano? Hindi ko alam paano ko sya kakalimutan eh hindi naman naging kami" sabay kaming natawa sa sinabi ko dahil Totoo naman. Hindi naman talaga naging kami.

"Use me" Ha?

Napatingin ako sakanya sa bigla nyang sinabi. Anong ibig nyang sabihin. Lumapit sya sakin at bumulong sa tenga ka.

"Hahayaan kitang gamitin ako pero sa huli, akin ka"

Bumibilis ang tibok ng puso ko na parang maalis na to kung saan ito nakapwesto.

"Hindi ko kaya yang gusto mo"

Hindi ako gagamit ng tao para lang sa kagustuhan ko.

I just can't. I'll feel really awful pag ginawa ko yon. I'm not gonna do it. I'm not gonna do it.

"I'm not asking you a question Iana. There's no yes or no. You just have to go with the flow" ngumisi sya at tumingin sa malawak na lupain kung nasaan kaming dalawa ngayon.

Bakit nya ginagawa to?

"I'm not gonna use you for my own desires, Rich. You're a nice person and I just can't do it. Using you is too much"

Even if he just wants to help hindi padin. Walang makakapag pabago ng isip ko.

I saw him roll his eyes. Taray ni bakla.

Humiga sya sa damuhan at Ilang segundo lang ay hinila nyadin ako pahiga. Nahulog ako sa mga bisig nya at sabay naming pinagmasdan ang alapaap.

Sana laging ganito. Yung masaya lang. kase sa totoo lang, napapagod nadin ako maging tahimik lang tungkol sa nararamdaman ko. Totoo din pala talaga na masasakal ka.

"Ayos lang saakin na gamitin mo ako Iana. Walang problema yon. Kung sa huli ay gusto mo padin sya ay hahayaan kitang maging masaya sakanya. Pero kapag sinaktan ka nya, Gagawin ko ang lahat para maging akin ka"

Hindi ko alam saan nya nahuhugot ang mga salitang yon. Pero sa mga simpleng salitang yon ay napangiti nya ako.

——————————————————————

Is your ship sinking or sailing? Hmmm.

Tell Me You Love MeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon