Chapter 14 - Dream
"Why do you look sa pale baby?" I'm confused. Why am I here?
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sakanya.
Bumalik lahat. I'm here again. Sa harap ng bahay nila Adrian. Why did he bring me here?
"I brought you here because I told you I'm gonna introduce you as my girlfriend" ha? Teka bakit parang wala naman ata syang nasabi saakin na ganon.
"Wait? Kaylan kita sinagot?" Baka May hindi ako alam? Is this a dream? Pwede naman akong matulog habang buhay kung ganito din ang panaginip ko. I volunteer.
"Silly. You said yes 2 months ago. Why? Ayaw mo na ba sakin? Are you gonna break up with me?" Ha teka. Bakit? Ano dawww? Hindi ko talaga na ge-gets ang mga nangyayari.
"Bruha ka inagaw mo sakin si Adrian!" Shuta waittt!
Mabilis na lumapit saakin si Erika at hinila ang buhok ko. Shutaaaa kaaaa.
"AHHHHHH!!!!!!"
"Bruha gumising ka!!!! Anong oras na!" Napabangon ako sa lakas ng sigaw ni Yjasmin.
Panaginip?! Panaginip yon! Haysttt! Buti naman. Akala ko mawawala na ang buhok ko sa sobrang lakas ng pagkaka sabunot saakin ni Erika. But it feels so real.
"Ang sakit nung sabunot" bulong ko sa sarili ko.
"Dapat lang! Kaylangan pa pala kitang sabunutan para magising ka" yun naman pala. Kaya pala it feels so real! Real na real naman pala talaga ang pag sabunot.
"Alam mo ikaw, leche ka talaga! Ang ganda ganda ng panaginip ka tapos eeksena ka dyan. Magsama nga kayo ni Kuya Clave" I tsk and went straight to the bathroom.
Tinignan ko kase ang oras at isang oras nalang ang meron ako para makapag prepare
Kumuha muna ako ng damit sa wardrobe ko bago ako magbihis ulit pagkatapos maligo. Andon lang si Yjasmin nakaupo sa kama ko.
Hindi na ako magugulat kung paglabas ng pinto ay nandon si Kuya Clave at naka abang. Okay lang naman kase talaga saakin kung magiging sister-in-law ko itong bestfriend ko. Ang problema lang si Kuya Clave. Bakit hindi nyapa kase baguhin ang pagiging babaero nya. One day talaga makakarma yan at mkakahanap ng katapat nya.
"Tapos kana?" Tumango ako sakanya at kinuha ang bag ko sa kama na katabi nya.
Busing busy sya na nakatingin sa phone nya. May ka chat kaya tong bestfriend ko? Hmmm. May lovelife? Sana all.
"Sino ba Yang ka chat mo at kanina kapa nakatingin dyan sa phone mo? Uyyyy! May lovelife! Bakit hindi kana nagsasabi saken? Bahala ka magtatampo na talaga ako" Baka sya nga ang dapat magtampo dahil hindi ako mahagilap netong mga nakaraang araw.
Eh Medyo busy kase talaga.
"Wala akong lovelife. Baka makulit meron" Awit! Bakit parang kilala ko yung makulit na yon.
Pagkalabas ng pinto ay tanaw na tanaw ko kaagad si Kuya Clave na nakatutok sa phone nya.
Hmmm.. fishy
"Kuya Clave! Alis na kami!" Naalis kaagad ang tingin nya sa phone nya nung tinawag ko sya. Tumayo naman sya kaagad at kinuha ang susi ng sasakyan nya.

BINABASA MO ANG
Tell Me You Love Me
RomanceI like you too. Four words that I want to hear from you. Gaano ba kahirap sabihing gusto mo din ako? It is hard to like me? Is it hard to be with me? Ryumi Iana Nuguid is a girl who knows what she wants. For her, life is too short and you must enjo...