Love is driven by sex with jealousy.
***
Sa edad na siyam na taong gulang, nawala sa buhay ni Rina Lourdes Co ang kaniyang ama.
Hindi ito pumanaw gaya ng sinapit ng ibang mga batang naulila sa tatay. Sa halip, sumama ito sa ikalawang pamilya nito at iniwan si Rina at ang kaniyang ina.
Labis na sakit at pighati ang dinanas ng ina ni Rina dahil sa pagtataksil at pang-iiwan ng kaniyang ama. Nagdulot ito ng poot at galit sa puso ng ilaw ng tahanan na maging si Rina, na bunga ng kanilang nasirang pagmamahalan ay naapektuhan.
Ito ang pamilya ni Rina- Isang pamilya na sa panaginip lang maaaring mabuo. At isang pamilya na nagdulot ng malaking lamat sa pagkatao ng batang bunga ng pamilyang ito.
Akala ni Rina, habang buhay siyang mangungulila sa pagmamahal ng isang ama. Ngunit isang araw, dumating ang nanay niya na may napakalawak na ngiti. Ito ang unang pagkakataong nakita ni Rina na ganoon kasaya ang ina.
"Rina, siya na ang bago mong tatay. Meet Tito Leo," pakilala ng nanay ni Rina sa lalaking kasama nito.
Isang lalaki na higit na mas matangkad sa nanay ni Rina at may katamtamang laki ang katawan. Moreno ang balat at may kaitiman ang labi, patunay na ito ay naninigarilyo. Ang medyo kalbong tuktok din ng ulo nito at ang ilang kulubot sa gilid ng mga mata ay nagpatunay ng higit na katandaan nito sa ina ni Rina.
Sa edad na labing dalawa, batid ni Rina ang ipinapakahulugan ng ina. Bagong tatay... Ibigsabihin, ito na ang bagong kinakasama nito.
Makalipas ang halos tatlong taon mula nang iwan silang mag-ina ng kaniyang ama, sa wakas ay natutunan na rin ng kaniyang ina na bitawan ang masasakit na alaalang iniwan ng tunay niyang ama.
At dahil ito ang unang pagkakataon na nakita ni Rina na masaya ang ina, hindi niya na nagawang tumutol sa desisyon nitong patirahin sa kanilang bahay ang kaniyang Tito Leo.
No'ng una ay tunay mabait at maalaga kay Rina ang kaniyang Tito Leo. Sa kabila ng katandaan nito, talagang maasikaso ito kay Rina lalo na at ito ang naiiwan sa bahay sapagkat nagtatrabaho ang kaniyang ina.
Napamahal si Rina sa kaniyang Tito Leo at tunay na nalapit ang loob niya rito. Itinuring niyang tunay na ama dahil nakita niya rito ang atensyon at pagmamahal na nabigong maibigay sa kaniya dahil iniwan siya ng kaniyang tatay.
Kaya hindi binigyang malisya ni Rina ang mga halik at yakap ni Leo sa kaniya. Ipinagsawalang bahala niya ang mga paghaplos sa kaniyang hita o 'di kaya'y aksidenteng pagkakakita nito sa kaniya sa banyo sa tuwing siya ay naliligo.
Ngunit nang tumuntong si Rina ng labingtatlong taon at ganap nang nasa High School, hindi niya na magawang huwag pansinin ang kakaibang kilos ng kaniyang Tiyo Leo.
Sinubukan niyang sabihin sa ina ngunit hindi siya nito pinaniwalaan sa mga sumbong niya ng paninilip at panghihipo sa kaniya ni Tiyo Leo.
Hanggang sa isang gabi, kinailangang mag-overtime ng ina ni Rina sa trabaho at tanging sila lamang ang nasa bahay.
BINABASA MO ANG
Insanely Insatiable
RomanceFICTITIOUS PSYCHOLOGY SERIES #2 R-18 | EROTIC ROMANCE ‼️ READER'S DISCRETION IS ADVISED ✓Nymphomaniac (n.) a woman with uncontrollable sexual desires. *** Sex is a pleasurable experience which symbolizes affection, desire and commitment in a relatio...