013

20.2K 267 60
                                    

RINA'S

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

RINA'S

***

"Nice to meet you, Rina. Welcome to my life."

Napabuntong hininga ako nang maalala ang huling sinabi ni Isaac bago siya tuluyang umalis para raw pumasok. I didn't expect him to actually tell that. I mean, all my life, I'm keeping my disorder from other people due to the fear that they will turn their backs at me and will push me away.

But then, Isaac came. A mere stranger who's aware of my disorder, yet, he still welcomed me to his life like I'm normal.

May kung anong mainit na humaplos sa puso ko dahil sa sinabing iyon ni Isaac. I never thought I'll receive such acceptance from anyone. Is it because he's a psychology major? Kaya ba gano'n siya kabuti sa akin at nagiging maintindihin?

If that's the case, then there can be humans who will accept me if they're knowledgeable enough about my disorder. Kapag ba nagkaroon ng sapat na awareness tungkol sa Nymphomaniacy, dadami ba ang katulad ni Isaac? Kapag ba mas naging aware ang mga tao na ang pagiging Nymphomaniac ay higit pa sa pagiging adik sa sex, magiging maayos ba ang lahat?

I can't help but to wish that every person will be like Isaac— someone who will see the goodness in people and will decide to open his/her mind before providing any judgement or conclusion.

Napasandal ako sa sofa na kinauupuan ko at hinaplos ang band-aid na may drawing na SpongeBob. I used to like this cartoon back then when I'm innocent and not tainted. But after the traumatic experience I had with my stepfather, I turned my back from childhood and forced myself to grow, be mature, and be emotionless.

Kumuyom ang kamao ko nang mabaling ang tingin ko sa krus sa may altar sa living room. On top of the table is a Sto. Niño. A bitter smile spread on my lips as I stare at the relic. Simula nang nagkanda-letse letse ang buhay ko, hindi ko na maalala ang huling beses na nagdasal ako. Hindi na ako muling humingi ng tulong sa Kaniya at hindi na ako nagtungo pang muli sa simbahan.

Tinalikuran ko na Siya kasi una niya na akong tinalikuran sa pinakamadilim na bahagi ng aking buhay.

Nawala ako sa malalim kong iniisip nang makarinig ako ng pagbukas ng pinto. It was the front door. Pumasok do'n ang isang babae na nakauniporme na pampulis. Medyo matangkad siya at naka-boy's haircut ang kaniyang buhok. Maputi siya at talagang maganda ang hulma ng kaniyang mukha.

Halatang hindi niya pa ako napapansin nang magtuloy-tuloy siya ng paglakad papunta sa kinaroroonan ko.

"H-Hi," I said to get her attention.

Insanely InsatiableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon