FICTITIOUS PSYCHOLOGY SERIES #2
R-18 | EROTIC ROMANCE
‼️ READER'S DISCRETION IS ADVISED
✓Nymphomaniac (n.) a woman with uncontrollable sexual desires.
***
Sex is a pleasurable experience which symbolizes affection, desire and commitment in a relatio...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
RINA'S
***
Napatingin ako sa magkahawak na kamay namin ni Sevi habang hinihintay namin ang doktor sa opisina nito. The doctor is out for some urgent matter and we were asked by the nurse to wait for him in his office.
"Don't worry, Ri."
Nag-angat ako ng tingin kay Sevi at kaagad niya akong hinalikan sa noo. Magkatabi kami ng upuan at alam ko, kahit itago niya pa, katulad ko ay kinakabahan siya.
Today is the day in which the result of the DNA test between Sevi and Yna will be revealed.
"Paano kung hindi mo siya anak, Sevi? Paano ko ipapaliwanag kay Yna? Paano ko sasabihin sa kaniya?"
Iyon ang kanina ko pa iniisip. Bata pa ang anak ko at hindi ko sigurado kung mauunawaan niya ang sitwasyon.
"Gusto kong sabihin mo kay Yna na ako pa rin ang tatay niya kahit maging negative pa ang resulta ng test, Rina."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Sevi. I saw the determination in his eyes and the convenience of what he's offering is tempting. Kapag nagsinungaling ako kay Yna, kapag sinabi ko na lang na si Sevi ang tatay niya, magiging mas madali ang lahat para sa amin, lalo na sa kaniya.
Pero...
"Ayokong magsinungaling sa kaniya, Sevi. She's too precious for me."
"This is a white lie, Ri. Isa pa, para rin naman sa kaniya ito. Mas magiging madali sa kaniya ang lahat. I swear, Ri. Ituturing ko siyang tunay kong anak."
Hinawakan ni Sevi ang pisngi ko bago ako binigyan ng malawak na ngiti. "We will build a family, Ri. Pangako, gagawin ko ang lahat para maging mabuting ama sa kaniya. Just trust me on this one, please?"
Hindi ko na nagawang makasagot sa tinuran ni Sevi nang bumukas ang pinto ng opisina at pumasok na si Dr. Vasquez. Kaibigan siya ni Bannie at ni-recommend siya sa amin.
Naupo siya sa swivel chair na nasa harap namin bago niya inilapag sa ibabaw ng lamesa ang isang envelope. He got the serious face and a very neutral expression. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan sa resulta ng DNA test.
"It's nice to see you again, Dr. Vasquez," sabi ni Sevi bago siya nakipagkamay sa doktor na nasa harapan namin.
"Same here, Dr. Torres," tugon naman nito bago binuklat ang envelope.
Kumakabog nang sobrang lakas ang puso ko dahil sa kaba at takot. Sa totoo lang, paulit-ulit kong ipinagdasal sa Diyos na sana si Sevi nga ang ama ni Yna gaya ng gusto kong mangyari. Una, dahil mahal ko si Sevi. Pangalawa, dahil ayoko nang magkaroon pa ng koneksyon kay Von. May pamilya na siya at masaya na sila ngayon ni Giana. Ayokong maramdaman ng anak ko ang pakiramdam ko noon... No'ng mas pinili ng ama ko ang iba niyang pamilya. Ayokong danasin ni Yna ang paghahanap ng pagmamahal ng isang ama dahil may iba itong pamilya.