004

34.4K 265 16
                                    

RINA'S

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

RINA'S

***

Consulting professional help is quite hard for someone who's suffering in a mental disorder- specially if you're living in a country like Philippines, where mental health is not a priority. Kapag komunsulta ka sa psychiatrist o mas tinatawag ng nakararami na doktor ng mga baliw, siguradong huhusgahan ka na kaagad. Kesyo wala ka na sa tamang katinuan at gagawa ka ng makakasama sa mga taong nakapaligid sa iyo.

When in fact, people like me who's suffering in mental disorders seek for understanding, compassion and maybe acceptance from those whose minds are completely and normally functional.

Kaso hindi. Sa halip, napipilitan kaming itanggi ang sakit namin dahil sa takot na husgahan at hindi tanggapin ng mundong aming ginagalawan.

Kaya mahirap lumapit sa isang psychiatrist katulad ni Bannie. Naging mahirap ito para sa akin.

Pero hindi ko pinagsisisihan na lumapit at humingi ako ng tulong sa kaniya. Because of her, somehow, I was able to get by and manage my disorder. Kahit paano, nakakasabay ako sa buhay at may maayos na relasyon sa mga taong sa paligid ko. Bannie helped me to conquer my Nymphomaniacy and live a normal life as if everything is okay.

"Sino naman ngayon ang sexual partner mo, Rina?"

Iyon kaagad ang tanong niya sa akin nang makaupo siya sa kaniyang swivel chair sa likod ng malapad niyang lamesa. Maraming mga papeles ang nasa ibabaw nito at dito mo mapapatunayan kung gaano ka-dedicated si Bannie sa trabaho niya.

Napairap naman ako sa mapag-usisang boses niya bago ako naupo sa katapat na upuan. Nandito na naman ako sa halos purong puti niyang opisina rito sa loob ng bahay niya. The flower on the center table of her receiving area and the long sofa are the only things that aren't white here. Bannie really likes white, she once told me on the first day that I did ny session in this office of hers.

Kung para sa kaniya nakakatuwa ang purong puti, para naman sa akin naaalibadbaran ako. Parang sobrang linis kasi ng puti at pakiramdam ko hindi ito babagay sa akin dahil sa sobrang dumi ko.

I heaved a deep sigh due to my degrading comments about myself. Kapag nalaman ni Bannie na ganito na naman ako mag-isip, paniguradong kung ano-anong treatment na naman ang isa-suggest niyang gawin ko.

Sabi niya kasi, ang pinakadapat iwasan ay ang makaramdam ng panliliit sa sarili. When that happens, mahihirapan daw akong kontrolin ang utak ko. At mauuwi lang iyon sa sunod-sunod na mali na maaari kong gagawin.

"Rina? Sino naman ngayon ang sexual partner mo?" This time, her voice became softer and more sympathetic.

Napasandal naman ako sa leather na upuan kung saan ako nakaupo. My fore finger started tapping on the chair's arm rest as my heart started pounding.

Insanely InsatiableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon