028

21.3K 219 11
                                    

ISAAC'S

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ISAAC'S

***

"She already told me her story."

Natigilan si Lex sa ginagawang paglilinis ng baril niya dahil sa sinabi ko. Naging seryoso ang tingin na ibinigay niya sa akin at napabuntong hininga naman ako.

Rina is different from what Yngrid experienced. Mali kami ng akala ni Lex at hindi ko alam kung paano ko ikukwento sa kapatid ko ang dinanas ni Rina nang hindi ako lalagpas sa boundary na masisira ko na ang tiwala na ibinigay niya sa akin at ang privacy na alam kong gusto niyang panghawakan.

Pero kailangan ko ng tulong ni Lex para matulungan si Rina. It will be a lot easier with my sister's help.

But Rina is like an already broken glass which only managed to be glued by an adhesive. It's impossible but she still did it. Kaya nga narito siya kasama ko at patuloy na nabubuhay.

"What's her story?" Lex asked before she placed the gun she's cleaning on top pf the center table. "Gaano karami ang detalyeng sinabi niya sa 'yo?"

"She told me enough that I feel hatred towards those people who did it to her. Alam mong bihira lang akong magalit, Lex.  At kapag nangyari iyon, ibigsabihin kasing sama na ng demonyo ang dahilan ko."

Kumuyom ang mga kamay ni Lex bago alanganing napatingin sa silid kung saan pansamantalang nananatili habang nandito siya sa apartment ko.

"Katulad ba siya ni Yngrid? Sino ang gumawa sa kaniya? Kamag-anak? Adik? Boyfriend? Asawa?"

Nag-iwas ako ng tingin kay Lex at walang lakas na napasandal sa sofa na kinauupuan ko. Kumuyom ang kanang kamay ko na nasa aking kandungan habang napahawak ang kaliwa kong kamay sa aking tainga.

Hindi ko mapigilang mapaisip sa tanong ng kapatid ko. Magkatulad ba sila Rina at Yngrid? Magkakapareho lang ba ang mga babaeng nagiging biktima ng rape?

Hindi.

Upon knowing Rina, I saw another face of rape victim. It is very different from Yngrid's and I bet pther rape victims will convey different faces too.

"There are different faces of a rape victim. I also thought that Rina will be similar to Yngrid but she's not, Lex. I witnessed it." Saka ako tumingin sa kapatid ko at hindi ko mapigilang hagurin ang buhok ko. "She's more broken than Yngrid. Impyerno ang dinanas niya."

"What do you mean?"

Mas lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Lex dahil sa sinabi ko. No'ng malaman namin na ginahasa si Yngrid ng dati niyang asawa, sobrang galit ang naramdaman ni Lex. Yngrid is very bubbly and she got a very vibrant smile which captivated my sister. We thought she's living her life at ease and with so much happiness but we're wrong.

Insanely InsatiableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon