027

20.2K 345 71
                                    

ISAAC'S

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ISAAC'S

***

Kanina ko pa binabasa ang nasa notes ko para sa susunod kong subject na may announced quiz pero kahit isa walang pumapasok sa utak ko.

My mind is wandering about Rina.

Si Rina na naman.

"Hoy! Narinig mo ba 'yong sinabi ko?"

Napatingin ako kay Calvin na nakaupo sa harapan ko. Binigyan ko siya ng masamang tingin nang kumuha siya sa carbonara na kinakain ko.

"Napakadamuho mo talaga sa pagkain. Parang may patago ka sa 'kin kung makakuha ka ah," sita ko sa kaniya na ikinatawa niya naman.

Mabilis kong pinalo ang kamay niya nang kukuha na naman siya sa pagkain ko. "Ang tibay talaga ng apog mo. Mag-review ka na nga lang dyan."

"Napakadamot mo kamo, Father Isaac. Hindi ba itinuro sa seminaryo na maging mapagbigay," he said sarcastically before he gets my reviewer.

Nailing na lang ako kay Calvin. Bakit ko nga ba ulit kaibigan ang isang ito?

"So, bakit parang lutang ka ngayon? Kanina ko pa tinatanong kung nakausap mo na ba ang kapatid no'ng Yngrid. Ang tagal ko nang hinihingi iyong number no'n."

Kaagad ko siyang sinagot ng iling. Sumubo muna ako ng carbonara bago siya nginisian. "Walang babae na kakilala ko ang ipakikilala ko sa 'yong tukmol ka. Hindi ko sila hahayaang masaktan mo."

Napaawang ang bibig niya sa sinabi ko 'tapos ay humawak pa siya sa dibdib niya. "Grabe ka sa 'kin, Isaac! It really hurts, you know."

"Kaka-tiktok mo 'yan," pang-aasar ko sa kaniya nang gawin niya pa 'yong usong-usong ginagawa ng mga tiktokerist.

"Pero seryoso nga, Isaac. Anong iniisip mo? Mukhang mas mahalaga 'yan kaysa sa quiz natin mamaya. Kanina ka pa sa page na 'to pero hindi ka pa rin tapos basahin?" Saka niya inangat ang reviewer na kinuha niya sa akin.

Napatitig naman ako sa kaniya bago napabuntong hininga.

Should I tell him?

Kailangan ko ng mapagsasabihan tungkol kay Rina. I'm clueless on how should I deal with her.

"It's about the nymphomaniac that I met," I finally opened up.

Napatuwid naman ng pagkakaupo si Calvin at napangisi sa akin. "Baka naman malibog lang talaga."

Halos masamid ako sa kinakain ko dahil sa pinili niyang salita. Tawang-tawa naman siya sa reaksyon ko bago nagkibit balikat.

"What? Libido is part of human behavior. Baka hindi naman nympho 'yang nakilala mo. Maybe she just want to get into your pants."

Napasandal ako sa kinauupuan ko bago muling nagbuntong hininga. I crossed my arms over my chest before I gave Calvin a serious glance.

"I studied her. She's showing clinical symptoms of Nymphomanic Disorder. Sexual compulsions, unjustified actions, anxiety and depressions, and clouded emotions."

Insanely InsatiableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon