RINA'S
***
Matapos kong mapagdesisyunan na pupunta ako sa unit ni Paul kaysa sumama sa dinner nila Von at ng nanay nito, makailang ulit ko nang kinagalitan ang sarili ko.
Itinapon ko na naman ang mga piping pangako ko na magbabago na ako. Ilang beses ko nang sinabi na hindi na ako magtataksil muli kay Von pero heto ako at nagpapagupo sa tukso.
Alam mo 'yong pakiramdam na alam mong mali pero gusto mong gawin? Iyong mali na uulit-ulitin mo kasi gusto mo ang pakiramdam na ibinibigay nito sa iyo.
I don't want to blame my irrational and illogical reasoning in my decisions to my disorder. Ilang beses na bang sinabi sa akin ni Bannie na hindi ako baliw at walang problema sa utak ko. Nauunawaan ko ang tama at mali at kaya kong gumawa ng mas maraming mabuti kaysa masama.
The thing about having a compulsive disorder like Nymphomaniacy, certain things became a habit to another level that your brain and body remember it as easy as one-two-three. You rely to these bad habits as some kind of defense mechanism from pain or any traumatic experience which caused you a certain disorder.
Ipinaintindi sa akin ni Bannie ang ang sakit ko ay isang spectrum, malawak at hindi direktang nasusukat. May pag-asa pa raw na makontrol ang lahat ng sexual compulsions kapag nagawa kong pababain ang level ng sakit ko sa spectrum na sinasabi niya.
But I don't think I am doing the right thing to make my condition lean to the left side of the spectrum of Nymphomaniacy— being manageable.
Huminga ako nang malalim bago ipinilig ang aking ulo. Kahit paulit-ulit kong pagalitan ang sarili sa isa na namang walang k'wentang desisyon na ginawa ko, wala namang magbabago.
I already declined Von's offer and my body and brain want me to go to Paul. That's what I'll be doing tonight.
"Mukhang malalim ang iniisip mo, Rina."
Nabaling ang tingin ko kay Rayven na siyang focused sa pagmamaneho. Matapos naming mamasyal ni Louisa, napagdesisyunan ko munang umuwi ng bahay para makapagpalit ng damit bago pumunta kay Paul.
Nagtagpo ang mga tingin namin ni Rayven sa rearview mirror at pilit na ngiti lang ang ibinigay ko sa kaniya bago nag-iwas ng tingin.
I can't talk to him because I know he's starting to feel something for me. Pansin ko iyon sa pagiging concern niya sa akin at sa paraan kung paano niya ako tingnan. Sa dami ng lalaking dumaan sa buhay ko, naiintindihan ko na ang ibigsabihin ng mga tingin nila. At ang kay Rayven— tingin iyon ng isang lalaking pinahahalagahan ang isang babae. At wala naman akong halaga kaya wala siyang dahilan para maging gano'n sa akin.
"Alam mo namang p'wede mo akong kausapin kapag may problema ka, 'di ba?"
Mula sa labas ng bintana ay bumalik ang tingin ko kay Rayven at halos takasan ako ng hininga nang mapansin ko kung gaano kabigat ang kaniyang titig.
BINABASA MO ANG
Insanely Insatiable
Любовные романыFICTITIOUS PSYCHOLOGY SERIES #2 R-18 | EROTIC ROMANCE ‼️ READER'S DISCRETION IS ADVISED ✓Nymphomaniac (n.) a woman with uncontrollable sexual desires. *** Sex is a pleasurable experience which symbolizes affection, desire and commitment in a relatio...