055

15.2K 150 112
                                    

RINA'S

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

RINA'S

***

Tulala lang ako habang nasa byahe papunta sa unit ni Von. Tumigil na ang pagtulo ng mga luha pero ramdam ko pa rin ang sakit sa dibdib ko. My head is throbbing as well. I bet my eyes are red and puffy because of the crying I did when I left Sevi and come with Von.

After a few minutes, the car stopped and I felt Von removed my seatbelt for me.

"We're here."

Akmang bababa na ako ng kotse nang pigilan ni Von ang braso ko kaya napatingin ako sa kaniya. He got this concerned expression on his face before he sighed. "Sigurado ka na ba sa desisyon mong ito, Rina? Alam mong masasaktan ka kapag itinuloy mo 'to. Handa ka na ba talaga sa mga susunod na mangyayari kapag tinalikuran mo na siya?"

"Tinanong mo rin ba si Giana nang ganiyan no'ng sumama siya sa 'yo?"

He was caught off guard with my question but later on gave me a smile. "No. I didn't ask her because she is mine. Wala akong inagaw kay Isaac. Sa akin si Gia no'ng simula pa lang. Nadamay lang siya sa mga issues ng relasyon namin. Pero kami na talaga ang para sa isa't isa ni Gia. May Isaac man o wala."

Napaiwas ako ng tingin dahil sa sagot niya. Sigurado na ba ako?

"May posibilidad na wala ka nang babalikan kapag umalis ka, Rina."

Wala nang babalikan... Ibigsabihin may iba nang mamahalin si Sevi at hindi ako iyon kasi umalis ako.

"The pain and anger are heavier than my love for him." Napabuntong hininga ako bago buong tatag na tinagpo ang tingin ni Von. "If I stay, we'll only consume each other trying to settle the issues that should be resolved by distance. Hindi ko kayang manatili na mahalin siya dahil maalala ko lang ang mga pagsisinungaling niya sa akin 'tapos ay isusumbat ko sa kaniya iyon nang paulit-ulit."

Binuksan ko na ang pintuan ng kotse bago pinilit na nginitian si Von. "Sigurado na ako. Kailangan kong lumayo sa kaniya para hindi namin masira ang isa't isa. I'm quite complicated and Sevi knows it. For now, hindi niya maiintindihan pero sigurado akong sa susunod na mga araw, unti-unti niya akong mauunawaan."

With heavy heart and cold feet, I exited the car and made my way to the entrance of Von's condo building. Walang ibang nasa isip ko kun'di ang makapagpahinga mula sa sakit na nararamdaman ko.

I'm just tired, mentally and emotionally. Gusto kong makalimutan ang sakit kahit saglit lang. Kahit ano, para lang makalimutan ang sakit, gagawin ko.

Napatingin ako nang saglit sa kalangitan. Hapon pa lang pero bahagyang madilim na ang langit... Mukhang uulan.

Pati langit, nakikiramay sa nararamdaman ko. Just great.

I knew my way to Von's unit like the back of my hand. Kaya kahit lutang ang isipan ko at wala akong lakas para makapag-isip nang tama, narating ko pa rin ito.

Insanely InsatiableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon