001

55K 369 133
                                    

RINA'S

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

RINA'S

***

After almost two months of looking and investigating, I am just so glad that Louisa, my best friend, finally came back.

Akala ko hindi ko na siya muling makikita. Akala ko, iyong gabi na iyon ang huling beses na makakabiruan ko siya at makakasama. Walang araw, sa nakalipas na dalawang buwan, na hindi ako umiyak at sinisi ang sarili ko. I keep telling myself that it's my fault that she was kidnapped by that psychotic lawyer.

I'm really glad that she's back. Mabuti na ring nahuli na ang abogagong iyon na kumidnap sa best friend ko dahil na-witness ni Louisa ang panggagahasa na ginawa niya sa kaniyang girlfriend.

"Rina!" Louisa immediately hug me as I enter her room.

Matapos kong mabalitaan na nalaman na kung sino ang kumidnap sa best friend ko, parang isang toneladang sama ng loob at stress ang nawala sa akin. I finally find the reason to breathe freely again, now that I have my best friend back. Louisa is very close to my heart. She's the sister I do wish to have.

"Are you really okay? Louisa, dapat pumayag ka na sa sinabi ni Tito na pumunta ng ospital," I tell her before I check her arms, looking for possible bruises or marks. Kasi kapag mayro'n, talagang pupuntahan ko ang baliw na abogagong iyon sa asylum na pinaglagyan sa kaniya. "You have to tell me everything you went through habang hawak ka ng abogagong iyon."

Natigilan si Louisa sa sinabi ko. Pagkaraan ay napangiti siya at nailing. "Abogago? That's a very funny way to call him."

Napataas naman ang kilay ko sa gaan ng tono ng boses niya. Dapat galit siya o kaya natatakot. It's just two weeks. Dalawang linggo pa lang mula no'ng nakawala siya sa pagkaka-hostage mula sa Kean na iyon. That sick lawyer was put to an asylum instead of prison because of his mental illness- which I highly disapprove! Dapat niyang pagbayaran sa kulungan ang ginawa niya sa kaibigan ko.

"Dapat natatakot ka sa abogagong iyon. Instead, you're talking about him so lightly. What really happened, Louisa?"

She bites her lip before avoiding my gaze. Pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang lungkot sa mga mata niya. Mukhang mas'yadong maraming nangyari sa halos dalawang buwan na nanatili siya sa poder ng abogagong iyon.

"I'm not really sure if I'm ready to talk about that, Rina," she said before sitting at the edge of her queen sized bed.

Naupo naman ako sa tabi niya bago ko kinuha ang kaniyang kamay. Kusang tumulo ang mga luha ko kasabay nang paghigpit ng hawak ko sa kaniya.

"I went through hell, Louisa. Sobrang natakot ako na hindi na ulit kita makikita. I literally went crazy, girl."

"Rina..."

"Siguro naman deserve kong malaman ang mga nangyari sa iyo. I need to know so that I'll be at ease. After almost two months... I want to be in peace."

Insanely InsatiableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon