035

18.8K 250 78
                                    

ISAAC'S

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ISAAC'S

***

I could see the refusal in Lex's eyes as she shook her head emphasizing her disapproval.

Ito ang reaksyon na inaasahan ko sa kaniya. Pero anong magagawa ko? Buhay ni Rina ang pinag-uusapan naming dalawa. At kung may higit na dapat magdesisyon para rito, walang iba kun'di si Rina lang.

"Rina doesn't want to push through the case. Ayaw niyang magsampa ng kaso at hindi niya sinasabi sa akin kung sino ang mga gumawa no'n sa kaniya," walang gana kong sabi kay Lex.

Kahit ako, hindi ako sang-ayon sa desisyon ni Rina. Gusto kong kabaligtaran ang gawin niya. But I didn't have any right to actually ask her to change her decision. Granted, she trusted me enough to tell me about the saddest and shameful experiences she has as a nymphomaniac. However, the trust she put into me isn't enough to actually give me the privilege to meddle with her life, to her demons to be specific.

"And you will support her decision because?"

I looked at Lex as if she grows three heads with what she just said. I huffed an irritated sigh before I shrugged my shoulder.

"Because her mental state is ruined and way too traumatized than we thought," I said as a matter of fact before I leaned on the back rest of the sofa.

Wala sa sariling napatingin ako sa altar na nasa gilid ng living room. There's a fresh sampaguita wreath around the Sto. Niño's neck and I could actually smell it from where I am sitting. My hand unconsciously went to my left earlobe, carefully caressing it as memories of Rina, while telling me her darkest days, invaded my mind.

She went through hell and the demons inside her head are too strong for her to overcome. She became the worst version of herself because even she, herself, doesn't know how to control her disorder.

"So, ginagamit mo na kaagad sa kaniya ang pagiging psychology major mo?"

Napatingin ako kay Lex dahil sa sinabi niya. She's not getting what I'm trying to say here, isn't she?

"Lex, she's not fit to conquer the stressful procedures of our justice system. Isa pa, desisyon ni Rina na huwag magsampa ng kaso." I sighed. "It's her decision and I can't undo it because this is her life."

Mabagal ang naging pagtango ni Lex sa sinabi ko at alam kong hindi pa rin siya sang-ayon. Alam kong gusto niyang makatulong lalo na't sobra ang dinanas ni Rina. Pero alam niya rin na may hangganan ang pagtulong lalo na kung hindi naman gusto ng tao na magpatulong.

Sa ngayon, alam kong ayaw pa ni Rina ng tulong para makuha ang hustisyang nararapat sa kaniya at naiintindihan ko iyon. But I'm also determined to give her the justice she deserves. Be it one way or another.

"I guess, I should just trust you on this one. Siguro naman may plano ka para sa sitwasyon ni Rina. 'Di ba, Kuya?"

Do I have a plan? Of course, I do. Hindi ko sigurado kung gagana pero sana. After all, I just want to help Rina.

Insanely InsatiableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon