019

19.4K 269 8
                                    

ISAAC'S

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ISAAC'S

***

The thing about college, sandamakmak ang requirements na kailangang gawin at ipasa at sabay-sabay 'yong ibibigay ng mga profs mo. Lalo na kung nalalapit na naman ang bagsakan. I mean midterms.

Halos isang buong araw na akong nakatutok sa laptop ko at hanggang ngayon tinatapos ko pa rin ang isang paper.

Mahirap nang magpachill-chill sa mga requirements lalo na't Junior na ako. I don't want to get a grade that will hinder me from graduating on time. Mas'yado na akong na-delay sa buhay.

Napahikab ako nang tuluyan kong ma-save ang isang paper para sa isang major ko. Napatingin kaagad ako sa orasan sa ibaba ng screen ng laptop ko at kaagad akong nakaramdam ng pagod nang makita ko ang oras. It's already 11:30 P.M. and school works keep me awake up to this time of the night.

Napasandal ako sa sofa na kinauupuan ko bago inalis ang suot kong salamin. My eyes are tired as well as my mind. Napili kong sa sala na lang gawin ang mga school works ko dahil tinamad na akong iakyat pa 'yong mga gamit sa k'warto ko. Isa pa, ayokong maistorbo si Rina na katapat lang ng k'warto ko.

Akmang ipipikit ko na rin sana ang mga mata ko para  makapagpahinga kahit saglit lang bago umakyat ng k'warto ko nang may marinig akong mga yabag. I immediately looked to where the foot steps are coming and I'm startled to see Rina.

Her long hair is a bit disheveled and she's somehow looked lost. Halatang naalimputangan lang siya. She's wearing one of Yngrid's clothes at kahit medyo malaki 'yon sa kaniya, it looks fine with her. The way that the loose shirt hanged on her body looks so fine. Maganda siya kahit simple lang ang itsura.

Natigilan sa paglalakad si Rina nang tuluyang mapunta sa akin ang atensyon niya. Mukhang papunta sana siya sa kusina.

"Hindi ka pa matutulog?"

Her voice came out hoarse and husky that I found my body stiffened with the chill it brings. Bakit ba palagi kong napapansin ang pinakamaliliit na detalye tungkol sa kaniya? Malala na talaga ako.

"Ikaw? Bakit gising ka pa?" I asked her.

The whole living room is in dim lights that's why I wasn't able to see her clearly. Hindi ko lubos na makita ang mukha niya but I can sense that something is wrong by the way her shoulders are drooping low.

"Nightmares," maikling sagot niya sa akin na naging dahilan para umayos at dumiretso ako ng upo.

"Mind to tell me?"

"Should I tell you?"

Tuluyan na siyang humarap sa akin at naaninag ko siyang naglakad na palapit sa 'kin. I heaved a deep sigh when my breathing automatically quickened by her mere presence.

Naupo si Rina sa bakanteng espasyo sa tabi ko at naging dahilan iyon para dumiretso ako ng pagkakaupo. Dahil sa liwanag mula sa nakabukas kong laptop, nagawa kong makita ang buong mukha ni Rina.

Insanely InsatiableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon