048

12.1K 161 19
                                    

ISAAC'S

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ISAAC'S

***

Midterms made it harder for me to think of other things. Dahil third year na ako at kasalukuyang inaasikaso ang thesis ko, medyo naging mas mahirap na pagsabayin ang pagre-review sa acads.

Kaya nawala na sa isip ko ang ibang bagay. Naka-focus lang ang utak ko sa midterms at sa thesis ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nao-open kay Rina.

It's so hard to lie. At mas mahirap iyong gawin sa taong mahal mo. I love her and I never wanted to lie to her. But sometimes there are truths that are meant to be hidden to save your love ones from getting hurt.

Ayokong masaktan si Rina. Pero aware akong kailangan kong umamin sa kaniya ng lahat nang nalalaman ko. Dahil kung mahal mo, hindi ka dapat nagsisinungaling.

"Hoy! Tulala ka na naman, Pare. Focus sa review. Last day na ng midterms ngayon e. Ngayon ka pa magiging sabaw," natatawang sabi ni Calvin na sumabay sa aking mag-review kahit hindi niya naman kailangang gawin iyon kasi nga natural sa kaniya ang mabilis na memorization.

Nailing naman ako sa sinabi niya. After this midterms at 'yong recital ni Rina, balak ko nang sabihin sa kaniya ang lahat. As in lahat. Hindi lang iyong about sa thesis ko kun'di pati 'yong kay Dr. Guevara at sa nanay niya.

Sana lang talaga, pakinggan niya ang mga paliwanag ko.

"By the way, Isaac. Kumusta ang thesis mo? I mean 'yong integrated treatment na ginagawa mo sa subject mo?"

Nag-angat ako ng tingin kay Calvin dahil sa tanong niya. Napalunok ako dahil kaagad akong nakaramdam ng guilt at konsensya.

"Tangina, Isaac? Don't tell me, wala pang consent niya, nag-proceed ka na kaagad sa treatment?"

Napasabunot ako sa sarili ko at naiinis na ginulo ang buhok ko.

"Like wala talaga siyang alam na subject na siya ng isang case study at sina-subject mo siya sa isang treatment na finormulate mo?" paninigurado ni Calvin na nanlalaki pa ang mga mata.

Nang hindi ako sumagot, napa-face palm siya sa akin at hindi makapaniwalang tiningnan ako.

"Nababaliw ka na ba? You're violating the ethics here plus you're jeopardizing that woman's privacy and confidentiality regarding her disorder. P'wede kang makasuhan dito," Calvin pointed out which I am fully aware of. "At higit sa lahat, magagalit siya sa 'yo dahil winasak mo ang tiwalang ibinigay niya sa 'yo."

"Anong magagawa ko? Sir Magdalo pressured me. I tried giving him other topics but he kept on rejecting it. Hindi ako makakapag-take ng midterms kung wala pa rin akong topic last week."

Napahawak ako sa tainga ko habang iniisip ang posibleng reaksyon ni Rina. I don't want her to cry. I don't want her to hate me. And I don't want her to unlove me.

Insanely InsatiableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon