060

11.4K 158 8
                                    

RINA'S

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

RINA'S

***

"Bakit hindi ka nagka-girlfriend?"

Natigilan si Sevi dahil sa tanong ko. We're on our way to Louisa's unit where I and my daughter are both staying for the mean time. Pinahiram iyon sa akin ni Louisa at nakatira naman siya sa isang condo building na malapit sa university na papasukan niya. Louisa already graduated but she decided to take another degree.

Gusto ko rin sana para matapos ko na talaga ang degree ko. Kaso naiisip ko si Yna at gusto ko siyang alagaan sa abot ng buong makakaya ko.

Sevi gave me a short glance before he focused his eyes on driving. Matapos naming makapag-usap at magkaayos, dinala ako ni Sevi sa isang pasyalan para raw mas magkaroon kami ng time together. Good thing that I asked Louisa to take care of Yna kaya pumayag na rin ako sa pag-aya ni Sevi. Gusto ko rin kasi siyang makasama.

We talked a lot of things. He told me about his journey and achievements until he became one of the most famous psychologist in the country. Ikinuwento ko naman sa kaniya ang pagpasok ko sa ballet school at mga nakakatawang experience habang ipinagbubuntis ko si Yna.

The whole day was spent like that. Pero sa kasamaang palad, hindi ko naitanong sa kaniya ang tungkol sa pagiging single niya for this past seven years.

"You're successful and rich, Sevi. Gwapo ka rin at mabait. Kaya nakakapagtaka na wala kang naging girlfriend. Kahit fling, wala ba talaga?"

Napaawang ang bibig ko nang pumatong ang available na kamay ni Sevi sa tuhod ko at marahan iyong hinaplos. He got this wide smile on his lips.

"Ayoko sa iba. Gusto ko ikaw lang, Ri. Kung hindi rin lang ikaw, matutulog na lang ako sa bahay ko para mapanaginipan kita."

Kaagad akong napangiti sa sagot niya. Hinawakan ko ang kamay niya na nasa tuhod ko at marahang nilaro ang mga daliri niya.

"I love you, Rina. Hindi ko magawang pagtuunan ng pansin ang ibang babae dahil sa pagmamahal ko sa 'yo." Sevi intertwined our fingers together before he took our clasped hands and kisses the back of my palm. "Isa pa, gusto kong maging successful para sa pagbalik mo, maibigay ko lahat ng gusto mo."

This man is really a good catch. At hindi ko inaasahan na mahihintay niya ako sa loob ng pitong taon.

"I love you so much, Sevi."

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

"May gusto nga pala akong ipaalam sa iyo, Rina. I think you need to know about this."

Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa biglang pagkunot ng noo ni Sevi at pagtagis ng kaniyang bagang. He seems furious, out of a sudden. Biglang nagbago ang mood at atmosphere sa pagitan namin. It's like he's about to drop a bomb in between us.

Insanely InsatiableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon