006

28.8K 230 28
                                    

RINA'S

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

RINA'S

***

No'ng araw na tinawagan ako ni Mr. Galliego, ang tatay ni Louisa, para sabihing hindi nakauwi ang best friend ko sa bahay nila matapos niyang magpunta sa aming bahay, halos takasan ako ng hininga.

I clearly imagine how breathless I was that day and how I breathe so hard just to be suffocated. I ended up collapsing because anxiety and panic then I woke up inside a hospital room.

Nagmakaawa akong hayaan nila akong makalabas ng ospital upang hanapin si Louisa. Hindi ko kakayanin kong mapapamahamak siya. She's one of my most valued person in my life.

Isa siya sa mga nakaintindi sa mga ugali ko na hindi maipaliwanag dahil sa problema sa utak na iniinda ko. Hindi man niya alam na isa akong Nymphomaniac, palagi siyang nandyan para intindihin ako.

I never experienced any judgments from her. Kaya no'ng hiningi ng OIC sa kaso ni Louisa ang tulong ko para sa imbestigasyon, hindi ako nagdalawang isip. Sinuong ko ang panganib para lang mahanap ang kaibigan ko.

At talagang nagpapasalamat ako na ngayo'y nakabalik na siyang muli. She's much better now than the last time I saw her. Mas vibrant na ang ngiti at mukhang kahit paano'y nakare-recover na sa pinagdaanan niya sa kamay ng abogagong iyon.

Oo. Abogago ang Kean na iyon at mananatiling gano'n ang tawag ko sa kaniya.

"Rina? Hey, are you even listening to me?"

Nawala ako sa malalim kong iniisip at kaagad binalingan ng tingin si Louisa. May hawak siyang dalawang dress sa magkabila niyang kamay at nakataas ito pareho sa harapan ko.

I chuckled with her irritated expression. Minsan talaga lumalabas ang pagiging mainipin niya. Galliego nga talaga, manang-mana sa ama niyang mainitin ang ulo.

Nandito kami ngayon ni Louisa sa isa mga luxury boutique na bet na bet naming dalaw na pag-aksayahan ng pera. Siya, todo gastos sa black credit card ng tatay niya at ako, todo waldas sa pera ni Melvin.

Napagpasyahan naming dalawa na lumabas ngayong Lunes as girl bonding. Wala akong pasok every Monday at si Louisa naman ay nananatiling naka-stay sa bahay nila for emotional recovery.

"Ano nga ulit ang tanong mo, Mahal na Prinsesa?" Nakangisi ako sa kaniya dahil pinakaayaw niya sa lahat na pinagtutuunan ng pansin ang yaman ng pamilya niya na hilig ko namang gawin bilang pang-asar sa kaniya.

Pero napako ang ngisi ko nang bigla na lang natulala si Louisa 'tapos ay tumulo ang kaniyang luha.

"Hey..." Kaagad ko siyang nilapitan pero mabilis niyang pinunasan ang kaniyang luha.

Insanely InsatiableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon