010

25K 240 39
                                    

RINA'S

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

RINA'S

***

Marami nang nakipaglaro kay tadhana at karamihan sa kanila ay nabigo at umuwing luhaan. Ngunit kahit gano'n, may buhay pa rin naman silang binabalikan at may mga pagkakataon pa para magsimula ng panibago.

Pero ako... Matapos kong matalo laban kay tadhana ng isang beses, pinilit kong kumapit sa natitirang buhay na mayro'n ako. Humihinga pa ako matapos ang masalimuot na karanasan na iyon sa amain ko kaya ang akala ko'y may pagkakataon pang ilalaan sa akin ang buhay para makabawi— para makatayong muli at maging normal.

Kaso, mali ang mga inasahan ko. Na-diagnosed ako na may Nymphomaniacy at dala ko ang masakit at masalimuot kong karanasan sa araw-araw na pinipilit kong mabuhay.

Nakakapagod na. Nakakasawa nang umasa na kinabukasan magiging mabuti na sa akin ang buhay at finally hahayaan niya na akong maging masaya. Nakakapanghina na sa bawat pagsubok ko na maging maayos ay saka naman ako wawasakin. At kahit anong diversion ang gawin ko, hindi ko pa rin maitatanggi na marumi na ako at wala nang halaga.

Bilang babae... At ngayon, bilang tao.

Binaboy nila ako at salitang pinagsamantalahan. Lahat sila ay nagparaos sa akin na parang isa lamang akong bagay na p'wedeng pagpasa-pasahan at ipahiram. Pagkatapos no'n, isinisi nila sa akin ang lahat na para bang gusto ko ang mga nangyari.

"Adik ka sa sex, Rina! Alam kong nasarapan ka rin!"

Hindi... Hindi ko gusto ang mga nangyari. Maaaring umungol ako at may reaksyon ang katawan ko sa mga pinaggagawa nila ngunit ang isip, puso, kaluluwa at ang natitira kong moral ay nagmamakaawa nang gabing iyon na itigil na nila, na hindi ko na kaya... Pagod na ako. Nasasaktan na ako.

Nilapastangan nila ang natitirang respeto na mayro'n ako sa aking sarili. Pagkatapos no'n ay iniwan nila akong said na said at halos wala nang natira para man lang huminga.

Nakakasakal na ang buhay na ito. Nakakapagod na. Sawang-sawa na akong maging biktima at masaktan.

"Masakit na," usal ko sa pamamagitan ng namamaos kong boses. Dama ko ang pananakit ng buo kong katawan dahil sa mga pasa, sugat at galos. Kumikirot din ang balakang ko, ang pang-upo at ang sensitibong parte sa gitna ng mga hita ko.

Matapos kong makapagbihis ng T-Shirt at sweatpants na ibinigay sa akin ni Paul bilang pamalit, kaagad nila akong kinaladkad palabas ng unit niya at saka isinakay sa pick up ng kaibigan ni Paul.

Akal ko talaga ay may balak na naman silang pagsamantalahan ako kaya makailang ulit akong nanlaban, umiyak at nagmakaawa. Matapos kong malaman na pito silang nagpakasasa at umangkin sa katawan ko kagabi, halos manlumo ako.

Insanely InsatiableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon