031

20.8K 179 17
                                    

THIRD PERSON'S P

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

THIRD PERSON'S P.O.V.

***

A family should be the foundation of an individual's positive and commendable character. A complete and happy family, to be exact.

Rina, an aspiring ballerina since the age of three, when her mother enrolled her to a ballet class, rooted her dream from her parents' love and support. Nagsusumikap siya sa kaniyang pangarap para hindi madismaya ang mga magulang na sa kaniya'y palaging sumusuporta.

She's a beautiful ballerina with a very bright future.

Not until the ninth year of her existence came. There's no birthday party, pink gown, cake, and candles to blow. Their house was in deafening silence before Rina heard the screams and cries of her mother.

Sinusundan ng kaniyang ina ang ama niyang may dalang malaking bag. Humahabol ang nanay niya habang patuloy na umiiyak.

Sa musmos na isipan ni Rina, naguguluhan siya sa mga nangyayari. They're supposed to be celebrating her birthday.

Sumunod siya sa kaniyang mga magulang hanggang sa pintuan ng kanilang bahay. Nakaluhod ang kaniyang ina habang yakap nito ang mga binti ng tatay niya.

Rina's forehead turned into a knot when her father looked at her. Their gazes met. She tried to smile at him, hoping that he will let go of his bag and go to her and assure her that nothing is wrong.

But no.

Ngumiti nang malungkot sa kaniya ang tatay bago inalis ang pagkakayakap ng nanay niya sa binti nito. "Sorry, Anak. Kailangan nang umalis ni Papa." Saka ito tumalikod sa anak na kaniyang kailangang iwan dahil naupos na ang pagmamahalan nilang mag-asawa

Nag-unahan ang mga luha na umalpas mula sa mga mata ni Rina. Mabilis niyang tinawid ang distansya nila ng kaniyang ama upang mahabol ito. She doesn't want him to leave. She needs him as her father.

"Papa! Papa, 'wag mo po kaming iwan ni Mama! Papa!"

Paulit-ulit na kinatok ni Rina ang saradong pintuan ng van na sinakyan ng kaniyang tatay. Nang magsimulang umandar ang sasakyan, napatingin si Rina sa kaniyang ina. Umaasa siyang hahabulin nito ang tatay niya pero nanatili itong nakaluhod at umiiyak.

Kaya naman si Rina na ang humabol sa papalayong sasakyan. "Papa! 'Wag mo po akong iwan! Papa ko!"

Her little feet made its fastest sprint with the hope that her screams and weeps will be enough to stop the van.

"Papa ko! Papa ko! 'Wag mo 'kong iwan!"

Nawalan ng lakas ang maliliit na binti ni Rina at tuluyang napagod sa pagtakbo. Bumagsak ang katawan sa lupa at naramdaman niya ang mahapding sugat sa kaniyang tuhod.

Insanely InsatiableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon