Epilogue

20.2K 211 46
                                    

ISAAC'S

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ISAAC'S

***

"The thing about Alien Hand Syndrome is that it's not yet fully explored by science and psychology. Marami pang hindi malinaw sa disorder na ito at wala pang kasiguraduhan ang kondisyon mo, Mr. Velasco."

Napansin ko ang pagkunot ng noo ng pasyente ko dahil sa aking sinabi. He's the soon-to-be CEO of Velasco's Real Estate Company and Management and the current vice chairman of the known company.

In short, he's a big shot client and an unexpected one. Walang may alam sa kondisyon niya kahit pa ang media. Sa kabila ng pagiging sikat ng mga Velasco sa buong bansa dahil sa yaman ng mga ito at iba't ibang business venture, hindi naulat sa kahit anong mainstream media ang tungkol sa panganay na anak ni Mr. Joaquin Velasco. Everyone said that he's the most perfect heir of the Velasco's wealth.

Kaya hindi ko inaasahan na may Alien Hand Syndrome siya, ayon na rin sa paliwanag ng dati niyang therapist na naging kaklase ko no'ng college. He's a new patient and I'm still thinking if I should accommodate him, knowing that I know very few about his disorder. Mas pinagpokusan ko ang schizophrenia sa nakalipas na mga taon, hindi ko inaasahang may makikilala akong katulad niya.

"Are you fucking kidding me? Ang sabi nila, isa ka sa pinakasikat na pyschologist sa buong bansa. Bakit kaunti lang ang alam mo sa sakit na 'to?"

Napailing ako sa kayabangan ng isang ito. Hindi porke't mayaman siya, pagtitiisan ko ang  ugali niya.

"If you can't respect me as your psychologist, might as well find another guy. Hindi ko kawalan, Mr. Velasco."

Kumuyom ang kaliwang kamay niya dahil sa isinagot ko sa kaniya. He shot me a death glare but that didn't scare me. Pinanood ko lang siya habang pilit niyang kinokontrol ang kanang kamay niya na pilit umaangat mula sa pagkakapatong sa kaniyang tuhod.

"Victor! P'wede ba?" Mr. Velasco hissed before his left hand held his right wrist, trying to control his right hand. "Argh! Fuck shit!" Saka inilahad ni Mr. Velasco sa harapan ko ang kanang kamay niya na parang nakikipagkamay.

Napataas naman ang kilay ko bago ngumisi sa kaniya. "It seems like you really need my help, Mr. Velasco."

"Don't flatter yourself too much. Si Victor ang nakikipagkamay sa iyo at hindi ako," he grumpily explained before he glared at his extended right hand.

"So, Victor ang pangalan niya?" tukoy ko sa kanang kamay niya at kusa naman itong nag-thumbs up sa akin. "Nice to meet you, Victor. Mukhang palakaibigan ka," I said before I shook Mr. Velasco's right hand.

That's Alien Hand Syndrome. Nagkakaroon ng sariling pagkatao ang isang kamay ng pasyente. Parang split personality ang lagay... May pangalan, kayang makipag-usap sa host, at nakokontrol ang kamay ng host ayon sa gusto nitong gawin. A patient with Alien Hand Syndrome seems to have another personality and it can control one of his hand or limb.

Insanely InsatiableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon