029

23K 257 55
                                    

ISAAC'S

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ISAAC'S

***

Nang makaalis si Lex dahil kailangan niya pang sunduin si Yngrid mula sa violin lessons nito, inabal ko na ang sarili ko sa mga reports na kailangang matapos bago ako ang tapusin nito.

Seriously, I think I'm too old for these paper works. I'm already twenty-five and here I am, completing school requirements instead of maneuvering my life like a real adult that I should be.

Nailing ako sa naisip ko. Sino ba kasing may kasalanan kung bakit nagkanda-delay na ang mga kaganapan sa buhay ko? Ako rin naman.

Ako rin naman ang sumira sa matagal ko nang plinano para sa sarili ko.

A bitter smile formed on my lips as my gaze turned to my cellphone placed on top of the center table. Umilaw kasi ang screen no'n dahil sa isang alarm.

A birthday alarm. It's her birthday today and I bet she's celebrating it with the guy she chose over me.

Huminga ako nang malalim bago kinuha ang cellphone ko. I was about to turn off the alarm when I was stopped by her photo on the screen. It was a photo of her, smiling widely to the camera. Ako ang kumuha sa litratong ito no'ng araw na sinagot niya ako at nangako kaming kahit anong mangyari, ipaglalaban namin ang isa't isa.

Ipinaglaban ko naman siya. Tinalikuran ko pa nga ang pagpapari at ang Diyos para sa kaniya kasi akala ko kami na hanggang dulo. Pero wala e. Ang advance ko mas'yado mag-isip na hindi ko nahulaang p'wede niya rin nga pala akong talikuran 'tapos walang mawawala sa kaniya.

Saglit ko pang tinitigan ang picture niya. Her smile truly demands attention. One of the reason why I fell for her.

Nang mapatay ko na ang alarm, pabalibag kong ibinato ang cellphone sa sofa na kinauupuan ko. Bigla akong nawalan ng gana.

A familiar loneliness crept over me as I remember those times that we're together.

Akmang sasandal na ako sa sofa at ipipikit ang mata ko nang makarinig ako ng malakas na sigaw. It's more of a scream of agony.

"Rina," I uttered before I immediately went to her room.

Pasalamat na lang talaga at hindi siya nagla-lock ng pinto kaya mabilis lang akong nakapasok. But empty bed greeted me.

"Rina?"

That's when I realized that her cries are coming from the bathroom. Nakaramdam kaagad ako ng kaba sa p'wedeng eksena na maabutan ko.

Insanely InsatiableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon