002

39.7K 274 106
                                    

RINA'S

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

RINA'S

***

Inabot na ako ng alas siyete ng gabi sa unit ni Von at alam kong hindi na dapat ako umuwi sa bahay namin. Instead, I should've stayed the night there.

E 'di sana hindi ko kailangang pagtiyagaan ang nakakairitang boses ng nanay ko.

"Hindi ka na ba talaga titino, Rina? Alas siyete na! Ilang beses kitang tinawagan!" Iyon ang bumungad sa akin sa pagpasok ko ng bahay.

Halos namumula na ang mukha niya habang hinahagod ako ng nandidiring tingin. Kung hindi nga lang siya pinipigilan ni Melvin, baka kanina niya pa ako sinampal o 'di kaya'y sinabunutan.

"Honey, hindi pa naman sobrang gabi. At saka nagpaalam naman sa atin si Rina na pupunta siya sa bahay ng kaibigan niya," sabi pa ni Melvin, ang boyfriend ng nanay ko at ang lalaking nag-angat sa amin sa kahirapan.

Hindi ko magawang tawagin si Melvin ng Tito o kahit na anong uri ng paggalang. Mabait naman siya sa akin at talagang nakikita kong mahal niya ang nanay ko. But I just can't. The last time I called someone Tito, I got raped in return.

"Sinasabi ko sa 'yo, Rina!" Saka ako dinuro ng nanay ko habang puno ng panggagalaiti ang tingin niya sa akin. "Dapat nagtanda ka na sa nangyari sa iyo noon! Dapat inaayos mo ang buhay mo sa halip na lalo mong sinisira."

Nagpanting ang mga tainga ko sa sinabi ni Mama at nagtaasan ang mga balahibo ko sa narinig kong disgusto sa boses niya. Hinagod niya pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago hinilot ang kaniyang sentido.

"Honey... Don't be too hard on Rina."

"Hindi, Melvin! Iyang batang 'yan, mas'yadong matigas ang ulo! Nagahasa na at lahat, ganiyan pa rin manamit? Ginagabi pa rin ng uwi? Rina, tumino ka naman!"

Kumuyom ang mga kamay ko dahil sa mga sinasabi sa akin ni Mama. Sa lahat ng tao, siya dapat ang kakampi ko. Siya dapat ang higit na nakakaunawa sa mga pinagdaanan ko. Siya dapat ang kakampi ko. Kasi nanay ko siya at isang babae.

"Pagod ako, Ma," walang gana kong sabi sa kaniya na lalong kinalalim ng pagkakakunot ng kaniyang noo.

Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at kaagad ko na siyang tinalikuran. Nagtuloy-tuloy ako ng lakad papunta sa k'warto ko.

Narinig ko pa ang mga tawag sa akin ni Mama pero hindi ko na siya nilingon dahil kusang tumulo na ang mga luha ko.

Simula ng masalimuot na pangyayaring iyon, hindi na naging maayos ang relasyon namin ni Mama. Galit ako sa kaniya kasi hindi siya naniwala no'ng unang beses akong nagsumbong sa kaniya. Mas nagalit ako no'ng hiniling niya sa aking hayaan kong mabuhay ang bata na katibayan ng pangbababoy sa akin. At lalo akong nagalit sa kaniya no'ng wala siyang ibang ginawa kun'di ipamukha sa akin na kasalanan ko ang lahat kaya nagahasa ako.

Insanely InsatiableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon