016

19.2K 291 61
                                    


ISAAC'S

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ISAAC'S

***

Natigilan kami ni Lex sa pag-uusap nang makarinig kami ng pag-iyak. No, it's not a simple cry. That someone is weeping like she's experiencing an excruciating pain.

"Was that Rina?" tanong ni Lex sa 'kin na naging dahilan para walang salitang lumabas ako ng kusina at nagtungo sa guest room kung saan pansamantalang tumutuloy si Rina.

Mabilis ang mga kilos ko at hindi ko mapigilang kabahan. Sobrang lakas ng pag-iyak niya at sapat na 'yon para magmadali akong mapuntahan siya. She's my responsibility and I promised to myself that I would do everything to help her.

"Rina?" Kumatok ako sa pintuan ng guest room pero hindi siya sumagot.

Sa halip, patuloy kong naririnig ang mga hikbi at hagulgol niya. Anong nangyayari sa kaniya?

Suddenly, I heard Calvin's voice.

Suicidal...

Someone like Rina is suicidal.

Paulit-ulit na kinatok ko ang pintuan pero hindi pa rin siya sumagot. Instead, her cries became louder that it almost ripped my heart into two. Hindi ako sigurado kung bakit gano'n na lang ako kung masaktan para sa isang taong ngayon ko lang nakilala.

Was it because the teachings of the church taught me to be helpful and empathetic to anyone's situation? Or was it because I care about Rina?

Huminga ako nang malalim nang hindi pa rin siya sumagot sa 'kin. Patuloy lang ang pag-iyak niya kaya naman sinubukan ko nang pihitin ang door knob hoping that it's not locked.

Thank God, it wasn't.

"Rina? What—"

Natigalgal ako sa eksenang naabutan ko nang tuluyan akong makapasok sa loob. It was Rina, sitting on the floor, hugging her knees against her chest as she rocks her stiffed body. She's crying a river as if she's under an excruciating pain.

Nag-iwas ako ng tingin nang makitang wala siyang suot na pang-ibabang saplot. Huminga ako nang malalim para pigilan ang galit na nararamdaman ko sa loob ko. Nagagalit ako dahil may mga taong katulad ni Rina na kailangang dumanas ng ganito kalalang sitwasyon.

She's a probable victim of rape.

Kumuyom ang mga kamay ko nang maalala ang sinabi ni Lex kanina. That's not impossible. Seeing how broke Rina is, she can be a rape victim.

Napapikit ako dahil sa malalakas na hagulgol ni Rina. She's broken. She's shattered into pieces.

Lumapit ako sa kama para kunin ang kumot na nando'n bago ko nilapitan si Rina. Ibinalot ko sa kaniya ang kumot na iyon upang matakpan ang pribado niyang parte.

Insanely InsatiableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon