017

19.1K 249 60
                                    

ISAAC'S

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ISAAC'S

***

I wake up disoriented from everything that happened yesterday. Mabuti na lang talaga't Biyernes ngayon, kaya wala akong pasok. I don't think I can last a day dealing with academics with this state of my mind.

Ang daming nangyari kahapon at p'wede ko na ring sabihing na-overwhelm ako sa biglaang pagdating ni Rina sa buhay ko.

Unconsciously, my hand touched my lips as memories from yesterday invaded my mind. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko at pagbilis ng tibok ng aking puso dahil sa alaalang iyon.

Jeez. Kakakilala pa lang naming dalawa 'tapos nauwi na kaagad sa gano'ng tagpo. I heaved a deep sigh to control my quickened breathing. Images of Rina's flushed face while straddling my lap flooded my memory.

Kaagad kong natampal ang noo ko dahil sa mga kaanuhang iniisip ko. Kailan ba ako nag-isip ng ganito sa isang babae?

Paulit-ulit kong ipinilig ang ulo ko para mawala ang mga makamundo kong iniisip. Umagang-umaga, berde ang laman ng utak ko. Kakasama ko 'to kay Calvin e.

Nang makapaghilamos at makapag-ayos, sinigurado ko munang presentable na ako bago lumabas ng k'warto. Well, I'm not like this on daily basis. Wala akong pakeelam kung lalabas ang ng k'warto nang magulo ang buhok o may muta pa sa mata. But today is different. Hindi na lang si Lex at ako ang tao sa apartment. There's Rina.

Instantly, flashes of Rina kissing me deeply and intensely invaded my screwed mind. Ano ba, Isaac! Bakit ba kasi ang lambot ng labi niya? Bakit ang sarap niyang humalik?

At bakit ako ganito mag-isip?

Wala sa sariling napatingin ako sa guest room na katapat ng k'warto ko. 'Yon ang pansamantalang tinutuluyan ni Rina habang nandito siya sa apartment ko. Gising na kaya siya? Sana kahit papano maayos siyang nakatulog.

"Hindi pa siya gising?"

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. It was Lex who's now wearing her police uniform. Maging siya ay halatang nag-aalala para kay Rina.

"Mukhang hindi pa," I answered before giving a short glance to Rina's door. Sunod no'n ay nilapitan ko na rin si Lex na nasa sala at naghahanda na ng mga gamit niya.

"May meeting kami ngayon and probably by weekend, may operation kami. Kaya hindi ako makakauwi," sabi ni Lex bago seryosong tinagpo ang mga tingin ko.

"Mag-iingat ka. Dapat uuwi ka pa rin dito ng walang kahit anong damage," paalala ko sa kaniya bago napaupo sa sofa. Naguguluhang tiningnan ko siya kasi seryosong-seryoso talaga ang tingin niya sa akin. "What is it? Wala naman akong utang sa 'yo, 'di ba?"

Nailing siya sa sinabi ko at mahinang sinuntok pa ang balikat ko bago isinukbit ang baril sa tagiliran niya. "Try to convince, Rina. Kailangan niyang magpa-medico legal. Para na rin kapag dumating ang araw na gusto niya nang magsampa ng kaso, may habol siya."

Insanely InsatiableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon