RINA'S
***
Pinakatitigan ko ang aking sarili sa harap ng full-length mirror dito sa loob ng k'warto ko. Hindi na mahahalata ang naging pag-iyak ko dahil sa makapal na concealer at foundation na tumatabing sa mukha ko. I smile bitterly at my reflection.
This is how I get by in my life. The concealer and make-up help me to hide my insecurities, scars and tainted soul. Sabihin na lang natin na kahit kailan hindi naman ako naging okay. Pero dahil sa make-up, nagagawa nitong gawing mapula ang maputla kong labi, maging masaya ang mga mata kong puro paghihirap naman ang dinadala at maging kaaya-aya sa harap ng lahat ang marumi kong pagkatao.
Nang masiguro kong maayos na ang sarili ko, sunod kong kinuha ang tote bag ko. Laman no'n ang ilan kong pamalit na damit, mga essentials at condom. Yeah. Just in case, I always bring condom. I'm aware of my tendencies and there are times that my sexual compulsions will get the best of me. There are times that I'll end up having sex with someone I don't know at all just to ease the scorching heat that'll invade my system.
Huminga ako nang malalim bago muling nagpahid ng alcohol sa mga kamay at braso ko. Makailang beses ko pa itong kinamot para lang mapigil ang hindi maipaliwanag na kati na nararamdaman ko. Kapag ganitong hindi panatag ang isip ko, talagang nagiging paranoid ako sa lahat. At kabilang do'n ang dumi at mikrobyo. I was diagnosed with mild OCD as one of the complications of my Nymphomaniacy.
Nang masiguradong kumpleto na ang lahat ng gamit ko, muli kong tiningnan ang sarili ko sa salamin. My hair is put in a tight bun ensuring no strand of my hair will get into my face. The body hugging black top that I'm wearing is exposing my cleavage due to its deep neckline. And the micro skirt perfectly showcases my long and leaned legs.
Kapag nakita ako ni Von sa ganitong ayos, paniguradong pagpapalitin niya ako ng damit. Ayaw niyang nagsusuot ako ng mga revealing clothes dahil hindi raw iyon maganda sa babae. I don't really think telling girls what's to wear and what's to not wear is okay. Pero... Mahal ko si Von at hindi ko kayang mawala siya sa akin. Kaya kahit hindi ako sang-ayon, hindi na lang din ako tumutol. He said it's just for my own sake and I believe him on that.
Kaagad kong isinukbit ang tote bag ko sa aking balikat nang masigurong ayos na ang lahat ng kailangan ko sa pagpunta sa bahay ni Paul.
Palabas na ako ng k'warto nang mag-vibrate ang hawak kong cellphone. I immediately check the notification and I stop on my tracks upon seeing a message from Von. Bigla akong nakaramdam ng konsensya.
Nabaling ang atensyon ko sa taas ng screen kung nasaan ang oras. It's already 6:30 P.M. Mamayang seven sana ang dinner namin kasama ang nanay niya. Pero heto ako at pupunta sa ibang lalaki.
Humigpit ang hawak ko sa aking cellphone at makailang ulit ding huminga nang malalim bago binuksan anv message mula kay Von.
From: Babe Von
Please be safe. Goodnight :-*
BINABASA MO ANG
Insanely Insatiable
RomanceFICTITIOUS PSYCHOLOGY SERIES #2 R-18 | EROTIC ROMANCE ‼️ READER'S DISCRETION IS ADVISED ✓Nymphomaniac (n.) a woman with uncontrollable sexual desires. *** Sex is a pleasurable experience which symbolizes affection, desire and commitment in a relatio...