FICTITIOUS PSYCHOLOGY SERIES #2
R-18 | EROTIC ROMANCE
‼️ READER'S DISCRETION IS ADVISED
✓Nymphomaniac (n.) a woman with uncontrollable sexual desires.
***
Sex is a pleasurable experience which symbolizes affection, desire and commitment in a relatio...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
ISAAC'S
***
"Kumusta si Sir Magdalo? 'Buti, nakalabas ka pa nang buhay sa opisina niya."
Kaagad kong binatukan si Calvin dahil sa sinabi niya nang maabutan ko siya at si Stefan sa library. Ang mga baliw, pareho pang may nakakalokong ngisi sa akin.
"Mukhang maayos ang mood ni Sir Magdalo. Nagkausap naman kami," walang gana kong sagot kay Calvin bago ako naupo sa espasyo sa pagitan nilang dalawa ni Stefan sa sofa na nasa dulong bahagi ng library. Kaagad naman akong siniko ni Stefan nang masagi ko iyong sinusulat niya.
"Nagkausap? Maayos na usap o nagkasigawan? Sabi nila, hindi raw marunong makipag-usap si Sir Magdalo," natatawang sabi ni Stefan bago nailing nang natawa na rin si Calvin at nasaway kaming tatlo no'ng mga nag-aaral sa kabilang mesa.
"'Yang bibig mo, napakadaldal talaga. Kakaurat ka, P're."
Ako naman ang natawa nang ngumuso si Calvin dahil sa real talk na natanggap niya kay Stefan.
Aside from Calvin, close din ako kay Stefan na katulad ko ay medyo delay na rin ng taon. But unlike me, bumagsak siya sa dalawang subject kaya na-delay.
"Pero ano ngang nangyari sa usapan niyo ng adviser mo, Isaac? Papalipat ka na ba?"
Napasandal ako sa sofa at kaagad na napahilot sa sentido. Kung mamalasin ba naman kasi, napunta pa ako sa isa sa mga terror profs para maging majors adviser ko.
"Kung hindi lang hassle magpapalit ng adviser, ginawa ko na pagkatapos na pagkatapos naming mag-usap ni Sir Magdalo."
Nagtawanan na naman sila Stefan at Calvin at tuwang-tuwa sila sa kamalasan ko.
"Sabi ko naman kasi sa 'yo, nag-apply ka na dapat no'ng last sem ng major. Hindi kasama si Sir Magdalo sa list of advisers no'n." Calvin clicked his tongue before looking at me as if I'm the funniest yet most pitiful human being in this world.
"Pero curious ako sa pinili mong field of majors. Sasama ka na ba sa akin sa developmental psychology?" Saka winagayway ni Stefan ang isang libro na kanina niya pa binabasa at napangiwi kaagad ako.
"Pota, Stefan! Nakakabakla ang developmental. Hindi bagay sa amin 'yan na mga gwapo at adventurous," sabat ni Calvin na kaagad kong ikinasimangot.
"Umayos ka sa mga pinagsasabi mo, Calvin. Makukuyog ka talaga dahil diyan sa mga statements mo tungkol sa other gender," naiiling na saad naman ni Stefan na sinasang-ayunan ko naman.