Future
***
RINA'S
***
"Yna! Bumaba na kayo r'yan ni Yves!" tawag ko sa aking mga anak nang matapos ko na ang paghahanda ng hapunan namin.
Tonight is a very special night because it is Louisa's birthday, April 15— exactly almost a year after she was released from the mental institute.
Hiniling ko sa best friend ko na pumunta siya rito sa bahay para mai-celebrate namin ang birthday niya. Isa pa, parang kapatid ko na si Louisa— now that her father was gone— I don't want her to spend her birthday without me. Nami-miss ko na rin ang kambal niya. Dalawang taon ko rin naman kasing inalagaan sila Regulus at Alnair habang nagpapagaling si Louisa.
Kaya bonggahan ang mga inihanda kong pagkain nung pumayag si Louisa sa imbitasyon ko.
"Woah! You prepared a lot of food my dear wife," Sevi came in with a grin on his face. He strides towards me and immediately wrapped his arms around my waist. "The food smells good but you smell better." He kissed me on my lips.
It was just a short kiss before he pushed me to the island counter separating the kitchen and the dining area. I rolled my eyes when his hand went to my behind and then squeezed it. His body pressed on mine.
"Kapag tayo nahuli na naman ng dalaga mo," banta ko kay Sevi na ikinatawa nito.
"Na-miss lang naman kita, Misis ko. Alam mo namang nawawala ang pagod ko kapag nakikita kita."
A smile crept on my lips before I gave him another peck. "Mamaya na ang sexy time. Kain muna tayo ng totoong pagkain."
"Fine. Basta sexy time mamaya ha?"
Kaagad kaming naghiwalay sa yakapan ng isa't isa nang marinig ko na ang doorbell sa front door. Surely, it's Louisa and the kids!
"Ilagay mo na 'yung cake sa lamesa," utos ko kay Sevi saka itinuro ang ref. "Tapos tawagin mo na ang mga bata dahil nandito na ang ninang nila."
"Yes, Ma'am!"
I rolled my eyes at Sevi when he gave me a wink and he even bit his bottom lip as if seducing me. My husband is such a beast... In bed!
Dumiretso ako sa front door at excited na binuksan ang pinto.
"Nanay Rina!" Regulus and Alnair said in unison as they run towards my direction. Kaagad akong umungklo upang yakapin ang tatlong taong gulang kong mga inaanak.
"Aw! Regu and Nairy! Miss kayo ni Nanay!"
Habang yakap ko ang kambal, tiningala ko si Louisa na nakangiting nakatingin sa amin. I could see tears on the sides of her eyes. Alam ko kung gaano katagal hinintay ni Louisa na makasama ang mga anak niya. Kaya alam kong hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwalang magkakasama na silang tatlo ngayon.
Nang pakawalan ko ang kambal sa mahigpit kong yakap, sabay silang bumalik sa magkabilang gilid ni Louisa na ikinangiti ko naman. Sunod na tinagpo ko ang tingin ni Louisa.
"Happy birthday, Louisa! Na-miss kitang babae ka!" Saka ko siya niyakap na kaagad naman niyang tinugon.
Nagdesisyon kami ni Sevi na hindi muna namin bibisitahin ang kambal para masanay ang mga bata at mapalapit kay Louisa na tunay nilang ina. Isang taon... Gano'n katagal kong tiniis na huwag bisitahin ang kaibigan ko. Ibinigay ko sa kaniya ang isang taon na 'yon upang mapalapit sa kaniyang mga anak.
"Na-miss din kitang babae ka! Salamat sa celebration na 'to ng birthday ko," Louisa said after the hug.
"Nako! Para namang papayag akong hindi ko maibigay sa 'yo ang regalo ko. Isa pa, miss ka na ni Yna! Malaki na 'yunh inaanak mo," sabi ko sa kaniya bago sila iginaya papasok ng bahay at papunta sa dining area.
BINABASA MO ANG
Insanely Insatiable
RomanceFICTITIOUS PSYCHOLOGY SERIES #2 R-18 | EROTIC ROMANCE ‼️ READER'S DISCRETION IS ADVISED ✓Nymphomaniac (n.) a woman with uncontrollable sexual desires. *** For most, sex is an act of love, passion, and intimacy. But for Rina Lourdes Co, it's a relent...
