***This story is all about the school campus comedy queen na tinagurian ding campus loka-loka queen. Palabiro, maingay, mapangbara, feeling at may pagka-assumera.
"Anong tinitingin-tingin mo? Crush mo ako noh? Aminin mo na kasi. Ako nga inaamin kong feeling at assumera ako." Iyan ang isa sa kanyang mga linya.
Kasama ang transferee na hari ng kasungitan. Dating sikat na celebrity na naisipang mag-aral sa kanilang paaralan. Hinahangaan dahil sa kasikatan, kagwapuhan at talino. Sinasamba at iniidolo. Ayaw ng feeling close at papansin. At ayaw na ayaw na ang mga babae ang unang nagpapakita ng motibo.
"I will never ever fall in love to someone like you. You're out of my league miss assumera." Linya ng masungit na celebrity na ito.
Mahuhulog ba ang isang hinahangaan at iniidolong campus celebrity sa isang babaing malayong-malayo sa pinapangarap niya? Out of his league pa nga daw wika niya.
"May out of my league ka pang nalalaman. Huy tandaan mo to. Pag ikaw mahulog sa mukhang to, who you ka talaga." Sagot ng babaing assumera na ito.
"You are just a stupid, pathetic, idiot, annoying and crazy girl I know. So stop dreaming of someone like me."
"Wag kang magsalita ng patapos. Baka sa huli ikaw lang din ang maghihikahos."
"Never."
Paano kung mahuhulog din siya sa babaing feeling na ito, assumera, stupid, at may pagkashunga? Paano kung malalaman niyang hindi pala ito ang totoong siya? At malayong-malayo sa shunga at tatanga-tangang babaeng nakilala niya? Na isa lang ang tama sa pagkakakilala niya rito. Iyun ay ang pagiging palabiro. Lahat ng bagay ay dinadaan lamang sa biro kahit pa ang nararamdaman ng puso.
Mahuhulog din ba ang loka-loka queen na ito kung ang lahat pala ng ginagawa at sinasabi niya ay BIRO LANG pala.
"You let me fall in love to you. Why not catch me too?"
"I always love you... Pero biro lang..."
****
BINABASA MO ANG
My Playful Campus Queen (Completed)
Novela JuvenilA childish campus queen meets the arrogant campus celebrity. Childish, mapagbiro at makulit. Tatanga-tanga at palaging dinadaan ang lahat sa biro. Mga katangian na ayaw ng arogante at seryosong campus celebrity. Kaya lang paano kung mahuhulog siya s...