Chapter 4: Minolestiyang Shrimp
======
Lauriz p.o.vNilapag namin ang aming mga baon sa may carpet na nilatag namin kanina. "Anong ulam mo?" Sabay silip ko sa baunan ni Amariz. "Sa akin adobong pusit."
"Ginisang hipon. Ikaw?" Tanong din ni Amariz kay Brinella. Sabay tingin namin kay Brinella.
"Ginisang bawang." Sagot agad niya. At pinakita pa ang ginisang bawang na nasa kutsara.
"Bakit bawang?" Panabay naming tanong ni Amariz na parehong nakakunot ang mga noo.
"Syempre panakot sa tulad nyo—aray." Pinitik ko kasi ang noo. Piniritong isda ang ulam niya na isinawsaw sa ginisang sili, bawang at soy sauce. May kalamansi pa. Ano yan sinugba?
Nagsimula na kaming kumain kahit alam naming may nanonood sa di kalayuan. Yung mga bagong salta ng school na to. Di pa sila umaalis don sa pinagtulugan namin kanina. Sa totoo lang, ilag kami sa mga tao kahit kinakausap pa namin sila o binibiro. Madalas umiiwas kami sa kanila o sa kahit sino. Mahirap kasing magtiwala sa panahon ngayon at nasanay narin kami na kami lang tatlo ang magkasama palage. Wala kaming ibang mga kaibigan kundi ang mga pamilya lang namin. Bihira lang din kaming nakikisalamuha sa iba. Maiingay lang kami kapag kaming tatlo ang magkakasama pero kung may mag-aabsent na isa, mapapanis talaga ang mga laway namin. Pero mas madalas cold talaga kami pag nag-iisa. Maiingay lang pag nagsasama-sama.
"Tikman mo. Masarap to." Sabay pasubo ni Amariz sa akin ang isang binalatan ng hipon. Si Brinella naman yung ulam ko ang nilalantakan.
"Tikman mo din to." Sabi ni Brinella at sinubuan ako pero agad ko iyung nailuwa.
"Bakit buong bawang?" Sabay punas ng aking bibig.
"Di ko nadikdik ng maayos eh." Nagpeace sign pa talaga eh halata na ngang sinadya niya. Nakangise pa nga eh.
"Dapat kay Amariz mo pinasubo. Ang bawang para sa kapri at hindi para sa momo." Sagot kong nakanguso.
"Sorry wrong sent. Asan na yun?" Sabay hanap sa bawang na dinura ko.
"Kadiri ka talaga Brin. Ipakain ko iyang buto ng isda sayo eh." Angal ni Amariz na nilalayo ang sarili kay brinella. Ayaw na ayaw kasi niya ng bawang tapos yung niluwa ko pa ang balak ipakain sa kanya ni Brinella.
Bigla akong napangiti. Chance ko na to kasi tinatalikuran ni Amariz si Brinella na may hawak ng bawang. Ang ginawa ko kinuha ko ang paboritong shrimp ni Amariz saka mabilis na kinain.
"Hoy! Wag mong ubusin!" Sigaw niya sabay sapok sa akin. Muntik na tuloy akong mabulunan.
"Di ko naman naubos. O ito na. Nahiya naman ako sayo." Sabay balik ng baunan sa kanya na puro balat at ulo nalang ng shrimp.
"Yung shrimp ko!" Sigaw niya. Ako naman kumaripas na ng takbo. Magkakaappendicitis pa yata ako nito eh.
"Bumalik ka dito! Minolestiya mo ang laman ng shrimp ko!" Hinabol pa talaga ako ng shunga. Alam nyo ba kung ano ang dala niya? Buto ng isda. Nakataas pa iyun ha, na animo'y tatagain ako.
"Tumigil ka! Tatadtarin kita sa ginawa mo!" Sigaw niya at hinabol ako. Ayaw kong mataga ng buto ng isda noh? Kaya ayaw kong maabutan. Bahala na si Tarzan.
Nakarating na kami sa may soccer field, basketball court at halos malibot na namin ang buong campus. Nga pala, yung pinakamamahal kong pusit naiwan.
"My adobong pusit, wait for me. I'll save you!" Bumalik ulit ako sa hardin samantalang nakabuntot parin sa akin si Amariz.
Nakita ko si Brinella na inaayos na ang pinagkainan namin. Nakaharang siya sa dinaraanan ko kaya tinulak ko siya saka kinuha ang bag ko.
"Lauriz!" Sigaw niya na alam kong na-beast mode rin tulad ni Maiz. Nasubsob nga kasi siya sa kanyang sawsawan. Napabalik ako at hinablot ang aking baunan.
"Sorry." Pahabol ko pa at muling tumakbo kasi papalapit na si Amariz. Lumingon ulit ako at nakita kong binanggaan din siya ni Amariz kaya muling napasubsob sa may shrimp pa ni Amariz.
"AMARIIIZ!" Double times beastmode na ang pinakaamasona sa aming tatlo.
BINABASA MO ANG
My Playful Campus Queen (Completed)
Novela JuvenilA childish campus queen meets the arrogant campus celebrity. Childish, mapagbiro at makulit. Tatanga-tanga at palaging dinadaan ang lahat sa biro. Mga katangian na ayaw ng arogante at seryosong campus celebrity. Kaya lang paano kung mahuhulog siya s...