Zynards P. O. V"Pwede ba Kolen. Tama na sa pagsusunod sa akin? Dahil iniwan ka lang ni Rick babalikan mo na ako? Anong tingin mo sa akin rebound?" Kolen is my ex. My first love and my all. Dati. Pero niloko niya ako dahil may mahal pala siyang iba. Pinagmukha nila akong tanga. Tapos nang maiwan siya ng traydor kong kaibigan, makikipagbalikan siya sa akin?
"I'm sorry. Ilang ulit ko bang sabihin sayong nagsisi na ako. Mahal kita. I love you so much Zynard. Please." Lumalambot ang puso ko kapag nakikita ko siyang umiiyak pero hindi ko na nararamdaman ang pakiramdam ko dati kapag kasama ko siya. Tila ba may nagbago na sa damdamin ko.
"Wag ka ng umiyak pwede ba?" Alam niyang ayaw kong makakakita ng mga babaeng umiiyak.
"Please Zynard. Come back to me. Please." Natigilan na lamang ako nang bigla niya akong niyakap at isinubsob ang mukha sa aking dibdib.
Napalingon-lingon ako sa paligid at nakita ko sa di kalayuan sina Lauriz kasama ang dalawa niyang kaibigan at nandon din sina Rick at Nat. Nagtatawanan sila. Kita mo ang saya sa kanilang mga mata. Ang lalakeng nanakit sa ex-gf ko masaya ngayong kasama ang iba. Parang gusto ko siyang sapakin. Pero di ba dapat masaya ako dahil kasama ko na ang babaeng mahal ko?
Nag-bell na kaya niyaya ko na si Kolen na bumalik sa classroom.
"Huy! Ano bang nangyari sa inyo?" Tanong ko sa barkadang parang natalo ng milyon-milyon. Itong mga gago inirapan pa ako. Problema ng mga to?
Di nila ako pinansin. Nakatingin lamang sila sa upuan ng tatlo. Wala pa pala ang tatlong mga baliw. Pumasok na ang isa sa aming subject teacher.
"Teacher. Nasan na sina Lauriz?" Tanong ni Jesthon.
"May laban ang mga yun." Sagot ng guro.
"Ha? Laban? Saan po?" Tanong naman ni Fleus.
"Silang tatlo ang representatives ng school natin sa Taekwondo, fencing at junior martial arts. Kaya hindi sila makakapasok within this week." Sagot ng aming subject teacher. Makikita mo sa mga mata na proud na proud siya sa tatlong iyon.
Napawoah na lamang itong iba naming mga kaklase. Pero itong iba parang alam na.
"Bakit wala rin po sina Neon?" Tanong ng isang babaeng may crush kay Neon Aldrin Tien.
"Si Mr. Tien ang representatives sa Wushu at kung itatanong nyo si Mr. Murphy, representatives siya sa karate." Kaya pala magkasama ang limang yun kanina.
"Magaling pala ang mga yun sa Martial Arts?" Tanong naman ni Loiden na halatang namangha.
"San po ba gaganapin ang laban?" Tanong naman ni Jesthon.
"Singapore. Doon kasi gaganapin ang bagong tatag na junior southeast asian martial arts competition."
Muntik na akong mabilaokan sa narinig. Wag mong sabihing nanalo na sila sa National rournament? Kaya ba ganon nalang sila ka-idol ng mga estudyante rito?
BINABASA MO ANG
My Playful Campus Queen (Completed)
Novela JuvenilA childish campus queen meets the arrogant campus celebrity. Childish, mapagbiro at makulit. Tatanga-tanga at palaging dinadaan ang lahat sa biro. Mga katangian na ayaw ng arogante at seryosong campus celebrity. Kaya lang paano kung mahuhulog siya s...