Lauriz p.o.vAng gugulo ng mga pinsan kong yun. Buti nalang at natakasan ko sila. Dito ako dumaan sa likod ng school dahil walang gaanong tao.
Napatigil ako dahil sa isang grupo ng mga kabataang nagpa-autograph sa akin. Kahit naguguluhan kaya sige nalang, baka iiyak pa ang mga to. Di ko pa naman maiintindihan yung mga lengwahe nila. Pang foreigner. Hindi naman english, ewan kung ano. Buti nalang may-isa na marunong magtagalog.
"Miss, kaano-ano niyo po si Neon? Nanliligaw po ba siya sa inyo o, kayo na?" Sinong Neon kaya ang tinutukoy ng lalakeng to? May binigay na larawan yung chinitang girl at pinakita nila sa akin mapansing naguguluhan ako.
"Si Nat?" Pabulong kong tanong. Napatingin ako sa grupo ng mga kabataang ito. May mga suot silang may print na mukha ng lalake. Gwapo ito at wait? Si Nat nga.
"Kaibigan ko lang siya." Sagot ko.
Nagkatinginan naman sila. Problema ng mga to? Nag-uusap pa sila na wala naman akong maiintindihan.
"Umalis siya sa showbiz para lang makasama ang isang babae na tingin ko'y ikaw. Actually, I am Kheo Jin. Dati niyang katrabaho at ang mga kasama ko ay ang mga admin at die hard fans niya dati." Paliwanag ng mukhang taiwanese na singkit na lalakeng to.
Hindi ako nakapagsalita sa nalaman. I thought Nat is just a rich kid na nandito just to be with me. Isa din pala siyang celebrity? Katulad din pala siya nina Kenard? Si Rick alam ko ng young star na siya sa America pero tumigil para makapagpokus na ng mabuti sa pag-aaral. Pero di ko alam na sikat din pala ang Zynard at Nat na ito.
Nagpaalam na din ako sa mga fans daw ni Nat na to. Ayaw ko kasing malate noh.
Flashback...
Mall
Kukunin ko na sana ang wallet ko sa bulsa dahil magbabayad na ako sa inoder namin ni Nat. Matapos kasi naming iwan ang tatlo dumeretso kami sa isang food court.
"Naiwan ko pala yung wallet ko sa may counter." Sabi ko. Tumayo naman agad si Nat at siya na ang nagpresintang kumuha nito. Ayaw daw niyang makatagpo ko ulit yung tatlo don.
Habang hinihintay siya, naagaw ng pansin ko ang isang magandang ginang na may maraming bantay. Nagulat na lamang ako dahil sa akin siya deretsong tumingin. Masyadong pamilyar ang kanyang mga mata. Puno rin ng mga mamahaling alahas ang kamay at leeg niya. Base sa mamahaling suot ay halatang di siya basta-basta lalo pa't may mga bantay siya.
BINABASA MO ANG
My Playful Campus Queen (Completed)
Fiksi RemajaA childish campus queen meets the arrogant campus celebrity. Childish, mapagbiro at makulit. Tatanga-tanga at palaging dinadaan ang lahat sa biro. Mga katangian na ayaw ng arogante at seryosong campus celebrity. Kaya lang paano kung mahuhulog siya s...