Chapter 13: Hinding-hindi magkakagusto

843 58 2
                                    

Zynards p.o.v

Napatingin na lamang kami sa table nong tatlong baliw. Seryoso sila ngayon. May pagkabipolar din pala ang mga to. Biruin mo may serious mode pang nalalaman. Pero bakit ganon nalang ang pagkataranta ng mga nasa counter? Yung ibang mga crew sa cafeteria mukhang balisa pag nakikita siya.

A, baka dahil sa title niyang queen o former queen ng campus na to? O baka dahil sa akala nilang baliw nga ito? Pwede ring kamag-anak siya ng may-ari ng school kaya ganyan kalakas ang loob. Pero imposibleng kamag-anak siya ng may-ari ng school na to. Mukha nga lang siyang scholar eh. Di nga afford bumili ng mamahaling phone. Yung phone niya nokia C-200. May mga natanggal ng keypad. Iyun ang nakita kong dala-dala niyang phone.

"Zynard! Matunaw." Sita sa akin ni Loiden na may ngising aso. Di ko siya pinansin at tinuon nalang ang tingin sa aking pagkain.

"Hello. Can we join?" Tanong ng campus empress daw. Mukha naman siyang inosente at mabait. Hot at sexy din. Maging ang height mga 5'7. Kasama niya ang ilang campus royals.

"Oh, sure!" Sagot agad ni Fleus. Tapos napatitig agad sa mga legs nila. Sarap batukan 'tong loko na to.

"Talaga? Thank you." Mahinhin niyang sabi. "By the way I am Nikola Ruiz!" Sabay ngiti niya ng matamis tapos sinadya pang sinagi ang braso ko sa malaki niyang boobs. Malandi rin naman pala to. Tiningnan ko siya ng masama.

"Ahmm... Sorry." She said shylly at nag-blush pa. Pabebe di naman bagay sa kanya.

Nagpakilala na ang mga kasama ko. Syempre chics na yan eh. Magaganda lang ang tinatawag na chics ng mga yan.

"And you? You are Rellious right?" Nakangiting tanong nitong Nikola. If I know, alam na ng buong campus ang mga pangalan namin kaya di na niya kailangan pang itanong.

Inirapan ko lang siya. Masungit ako and I admit it. Ayaw kong babae ang unang nagpapakita ng motibo. At ayaw kong babae ang unang lumalapit at maglalandi sa akin. Hindi ko sila pinansin. Nagpatuloy na lamang ako sa pagkain. Minsan ayaw kong makasama ang mga lokong to dahil sa mga babaing pinapatulan nila kapag lumalapit sa kanila.

Nahagip ng tingin ko ang isang estudyanting lalaking hinihingan ng pera ng estudyanting miyembro ng Elites. Nga pala, nabibilang kami at ang buo kong grupo sa mga Celebrity. Para siyang campus superstar. Yung tipong kami ang artista ng school. Mga gwapo nga naman.

"Mamaya. Sa labas ng gate. Kung wala ka paring maibibigay na pera sa akin lagot ka." Bulong ng Elite na ito sa isang lalaking nabibilang sa nga estudyanting nabibilang sa ordinary students.

Nakayuko lang ang lalaking binulungan at kapansin-pansin ang nanginginig niyang mga tuhod. Bawal ang mang-api sa loob ng school pero hindi ibig sabihin nito na wala ng mang-aapi sa labas ng gate.

Lumabas ang dalawa sa cafeteria pero napakunot ang aking noo nang sumunod si Lauriz. Ewan ko at naisipan ko ring sumunod. Siguro curious lang.

"Jiran! San ka pupunta?" Tanong nitong Lauriz sa di ko alam kung sino sa dalawang estudyante ang tinatanong niya.

Lumingon naman yung dalawa pero sumagot yung estudyanting nabibilang sa ordinary students.

"Ahm nasa labas kasi si ate. Puntahan ko lang." Sabi nito na nakaiwas ng tingin. So, siya si Jiran.

"Pasama muna ako saglit. May kukunin lang ako sa clinic." Sabi niya. Tumingin naman ang Jiran sa Elite student na nandidilat ng mata sa kanya.

"Ah, eh. Uhm..." Di nito alam ang isasagot. Halatang nababalisa na.

Lumapit naman si Lauriz sa lalaking Elite. "Ikaw nalang. Samahan mo ako." Sabay akbay sa lalake. Yung loko, napangiti pa. Ang babaing to naman kahit sino-sino na ang nilalandi. Pati nga mga guro namin nilalandi niya. Makaalis na nga lang dito. Sakit lang sila sa mata. Ang landi-landi talaga niya.

"Uy, sinundan niya crush niya." Nagulat pa ako sa kung sinong nagsalita sa aking likuran at sinundot pa ang aking tagiliran. Sinamaan ko ng tingin si Jesthon.

"Anong crush ka diyan?" Nakakadiri to. Tuksuin ba naman ako sa malanding babaing yon? Maisip pa lang na kahit sino dini-date niya nananayo na ang mga balahibo sa katawan ko.

"Deny-deny din pag may time." Pangungulit niya na lalong kinasimangot ko.

"Hinding-hindi ako magka-crush sa mukhang yon." Sagot ko at mabilis na maglakad palayo.

Kapag tinukso nila ako sa tunay kong crush matutuwa pa ako. Pero sa taong pinandidirihan ko, mananayo talaga ang mga balahibo ko kapag naiisip iyon.

Hinding-hindi ako papatol sa babaing katulad niya. Never.

Itutuloy...

My Playful Campus Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon