Chapter 1: The loka-loka queen and her princesses
==========
Lauriz p.o.v"Ano ba yan Brinella, nang makita kita, natatae ako." Sabi ni Amariz sa kaibigang kulay dilaw ang buhok na may pagkacurly sa dulo.
"Hoy! Gaga. Anong tingin mo sa akin inodoro?" Inis na sagot ni Brinella sa babaeng may mahaba at maitim na buhok. May pagkachinita ito at maputi na aakalain mong may lahing chinese na si Amariz.
"Hindi. Kubeta-aray!" Nasapok ito ni Brinella.
Well, sila lang naman ang mga precious bestfriends ko. Mga amasona at loka-loka ang mga yan. At kung itatanong nyo kung ano ako? Both. Both loka-loka at amasona. Ako nga pala si Laura Rizley Andrade. Pero tinatawag nila akong Lauriz. 17 yrs. Old grade 11.
Nagsasapukan na ang dalawa dahil parehong ayaw malamangan.
"Ano ba Brinella wag ka na ngang gumanti. Muntik ng matanggal ang ulo ko o." Reklamo ni Amariz at hinampas si Brinella ng libro.
"Ikaw ang dapat wag gumanti—" sagot ni Brinella na pinutol ko.
"Tumigil na nga kayo. Sumakit ang ulo ko ng marinig ang maladagundong niyong boses." Pagputol ko sa sasabihin ni Brinella na may pahawak ulo pa talaga yan.
"May narinig ka bang atungal?" Si Amariz yan na kunwari nagtataka at may hinahanap ang mga mata habang nasa magkabilang tainga ang dalawang palad.
"Hindi yun atungal. Parang... Parang maingay na biik?" Gatong ni Brinella kaya ayun sabay-sabay ko silang binatukan. Tawagin ba naman akong biik?
"Yung ulo ko gumulong sa sahig." Pagdadrama ni Amariz na nakahawak sa ulo.
"Waaahuhuhu! Yung ulo ko napunta sa puwet." Madrama ring sabi ni Brinella na yumuko ng bahagya at inilapit ang ulo sa may tuhod niya.
"Kaya pala mas mukha kang puwet. Nagkapalit pala ang puwet mo at mukha?" Parang di makapaniwalang sagot ko din na may patakip bibig pang nalalaman.
"Pfft! Bwahahaha!" Mga background laugh yan. Nandito nga kasi kami sa classroom namin at wala pa yung guro namin kaya nag-iingay ang dalawang to. Umawat lang ako kaya nadadamay na naman sa kaingayan nila.
"Amariz, pigilan mo 'ko. Papatayin ko na to!" Sabi ni Brinella na kunwari gigil na gigil ng sakalin ako. Nasa leeg ko na ang dalawa niyang palad pero di nakadikit.
"Sandali lang." Pigil ni Amariz tapos hinubad ang isang sapatos ni Brinella. "Wag kamay mo ang gamitin mo. Makalyo yan eh. Ito nalang." Sabay abot ng sapatos kay Brinella.
Kinuha naman ni Brinella ang sapatos niya. "Sige paluin ko nalang." Nakangiti pa niyang sabi at tiningnan ako ng humanda ka look.
"Wag!" Pigil ulit ni Amariz. "Matigas ang bungo niyan at makapal ang mukha. Baka sa halip na siya ang saktan mo sapatos mo pa ang masira." Aba't tawagin daw ba akong makapal ang mukha, di kaya. Wala lang talaga akong hiya.
"Eh, ano dapat gawin ko?" Naguguluhang tanong ni Brinella. At sinuri kung mas makapal nga ba ang mukha ko kaysa sa sapatos niya. Hinimas pa nga ang aking pisngi sabay tango. Aba't itong babaing 'to namumuro na siya.
"Eh, di ipaamoy mo. Baho palang tumba na yan. Bwahaha!" Sagot ni Amariz sabay biglang tawa na ikinatawa rin ng mga kaklase namin.
"I hate you na Amariz. I hate you na from heaven to cloud." Sabay kunyari sabunot kay Amariz. Pero di naman talaga niya ito sinasabunutan. Hinawakan lang niya ang buhok nito saka niyugyog ng marahan.
"Help! Pinagsamantalahan ako ng mangkukulam. Lauriz help me! May nagsasamantala sa kagandahan ko!" Acting naman ng bruha.
"Paayaw-ayaw ka pa. Gusto mo naman eh." Sagot ko naman.
"Gusto ko pa kasi ng round two. Amariz balik ka ulit ha?" Oh, di ba? Walang matino sa amin. Sino bang makakapagsasabing matitino kami, bibigyan ko ng kendi.
Baliw? Loka-loka? May sira? Topakin? Amasona? Iyan ang bansag sa aming tatlo. I am the loka-loka queen with my dama here... By the way ayaw nilang tawaging dama kasi mga feelingera. Gusto nila princess kaya pagbigyan. Kaya ang tawag ko sa kanila... Amm... SLAVES...*ehem* mas lumala ba? Sssh! Quite lang kayo para di ako masapok.
Ohrayt! My slaves are Amariz Lian and Brinella Kingsley, both seventeen. May mga sira ang utak pati mata. Sabihin ba naman kasing payatot daw ako. Mas gusto ko kasing tawagin akong mataba. Mataba ako, mataba ang buto.
"Huypayatot!" Sabay sapok sa ulo ko. Kita niyo na? Tinawag na naman akong payatot.
"Araynaman! Maiz ka. Nagdi-daydream pa ako disturbo ka naman!" Angal ko. Sakit makasapok sa ulo ang isang to.
"Anong dini-daydream mo Miss Andrade?" Patay! Nandito na pala ang homeroom teacher namin.
Introducing to anyone. Meet my one and only hot and handsome homeroom teacher. Mr. Di ko alam. Yeah, di ko natandaan ang pangalan niya. Kasi nong nagpakilala siya nakatitig lamang ako sa gwapo niyang mukha.
"Mind to share it Miss Andrade?" Mukhang nabadtrip na siya. Lagot ka Lauriz.
"Ahmp... Me and you are making baby." Painosente kong sagot. May narinig akong mga ubo. Isa na don si Sir Poge.
Bagong graduate lang siya at kami ang first students niya. 21 pa daw siya ayun sa narinig ko. O di ba ang bata pa. 17 ako tapos siya 21, four years lang ang agwat. Kaya pwede na. Pwede ko na siyang maging kuya syempre. Mukhang iba ang iniisip nyo dyan ha.
"Alright Miss Andrade, stop daydreaming about me. I know I'm handsome but I'm not available even if I'm still single." Sagot din nito, nagsmirked at may kindat pang nalalaman. Lumalaban ka pala Sir ha. Lumalaban sa kabaliwan ko.
"Bakit Sir, binibenta po ba kayo at may naka-order na? Kung ganon pareserve din ako baka may darating na katulad mo." Sagot ko din at ngumisi. Dini-distract ko lang talaga siya para di na kami makapagklase ng maayos. Tamad akong makinig ng discussion.
"Stop distracting me, Miss Andrade." Tsk, nalaman pala niya ang binabalak ko. Sayang.
Nag-discuss na siya at ako ito pinipigilang mapaidlip. Ang lupit pa naman niyang makapagparusa. Parang si Sir Kean lang.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
My Playful Campus Queen (Completed)
Teen FictionA childish campus queen meets the arrogant campus celebrity. Childish, mapagbiro at makulit. Tatanga-tanga at palaging dinadaan ang lahat sa biro. Mga katangian na ayaw ng arogante at seryosong campus celebrity. Kaya lang paano kung mahuhulog siya s...