Chapter 25: Pulang kotse

756 55 0
                                    

Lauriz p.o.v

Ilang araw narin ang lumipas magmula nong makabalik kami rito. Gaya ng dati, pag dadaan kami may mga kamerang nakatutok sa amin. Sanay naman na kami don kaya bayaan nyo na.

Hindi narin kami gaanong nagkakasamang tatlo dahil busy sila sa mga kani-kanilang praktis. Si Amariz sa Archery samantalang sa cheerleading squad naman si Brin. At ako ito, busy sa pagpapraktis sa basketball ng womans division. Ito lang ang sports na pinili ko para sa school sport fest na paparating. Ayoko ng sumali sa iba pa. Total di narin naman ako magtatagal sa school na to.

Dati kasi halos lahat na 'ata ng sports sinalihan ko. Syempre kateam ko sina Brin at Amariz sa time na yun. May dalawa pa kaming kasama kaso nasa states sila ngayon. Sina Shinny na bunsong anak nina tito edward at Lauren na pangalawang anak ni tito Lerio.

Umupo na muna ako sa isang bench sa gilid ng puno. Mamaya na ako babalik sa basketball field. Ang mga boys nagpraktis don sa loob ng gym. May basketball court naman don.

"Oh!" Napalingon ako sa sinumang nag-abot ng tubig sa akin. Napakunot ang aking noo makitang si Zynard pala to. Ilang araw ko na din palang di nakakausap at naasar ang lalakeng to dahil ilang araw narin naman akong di pumapasok sa klase dahil sa praktis namin.

Binuksan niya ang bottled water at inabot sa akin. Kinuha ko nalang kasi nauuhaw din naman talaga ako. Walang nagsalita sa aming dalawa.

"Bakit ang seryoso nyo na ngayong nagdaang mga araw?" Biglang tanong niya na muntik ko ng ikabuga sa iniinom ko. Siya ang unang kumausap sa akin ngayon. HIMALA! Bumait din bigla. O ba kaya mabait naman talaga sila kaso di ko lang talaga napansin.

"Kung ano ang nakikita nyo, ito ang totoong kami. Minsan shunga lalo na pag pinagsamasama. Pero seryoso naman talaga depende sa sitwasyon at sa mga taong kaharap at kausap namin." Nakita kong kinawayan na ako ng coach kaya tumayo na ako at nagpaalam sa kanya.

"Mauuna na ako. Salamat sa tubig." Saka ako naglakad paalis.

Nagsimula ng muli ang aming praktis. At napansin kong parami ng parami ang nanonood. Nandito narin ang buong team ng basketball ng mga boys. Don ko lang napansin na nakabasketball jersey pala siya.

Pagkatapos ng praktis, hindi na ako nag-aksaya pang magpalit. Tutal uuwi na rin naman ako.

"Lau! Sabay na tayo." Aya ni Rick sa akin habang nakasakay sa motorbike niya.

Tiningnan ko si Nat sa di kalayuan bago ako lumapit kay Rick para sumakay. Kaso nagulat nalang ako dahil may biglang humila sa akin.

"Ako na ang maghahatid sa kanya." Sabi niya. Weh, anong nakain ng lalakeng to at nag-iba ang pakikitungo sa akin ngayong mga nagdaang mga araw?

Mas lalo akong nagulat dahil pinunasan pa niya ang pawis ko. Di nga? Anong trip nito?

"Ba't di ka man lang nagpalit? Basang-basa ka oh." Sabi niya.

"No need. Saka wag mo ng punasan ang pawis ko." Sagot ko at inilayo ang sarili sa kanya.

Bigla namang lumapit si Rick at hinila ang isa ko pang kamay.

"Wag mo nga siyang nilalapitan? Don ka na nga sa girlfriend mo!" Inis na sabi ni Rick.

My Playful Campus Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon