Niyaya ni Nat si Lauriz na mamasyal sila sa mall. Napansin kasi niyang palage na lamang itong wala sa sarili na animo'y palageng may malalim na iniisip.
Lingid sa kaalaman nitong hindi pala mawala-wala sa isip ni Lauriz ang pagtatapat ni Zynard sa kanya.
"Himala at nagyaya ka ngayon." Nakangiti niyang sabi. Ngumiti lang din ang binata niyang butler.
"Masyado ka na kasing busy this past few days, kaya naisipan kong ipasyal ka na muna. Samahan pa na palage ka lang nagkukulong dito sa bahay pagkagaling sa school."
Habang sakay ng sasakyan, napansin ng dalawa ang isang itim na kotse at isang pula na nakasunod sa kanila. Hinayaan na lamang nila ang mga ito.
MALL
"Don tayo." Sabay hila ni Lauriz kay Nat. Napatingin naman si Nat sa kamay ni Lauriz na nakahawak sa kamay niya.
"Huy! Wag kang matulala dyan." Pukaw sa kanya ni Lauriz na ikinagulat niya.
"Aba, nagholding hands pa. Tsk!" Inis na sabi ni Zynard na nakasunod pala. Agad siyang nagtago sa may mga nakahanger na damit nang lumingon sa gawi niya ang dalawa.
Si Kenard naman na nakadesguise ay nagkunwaring maniquin para di mahalata. Saktong dumaan sa gawi niya sina Lauriz at Nat. Napaungol naman si Nat dahil may tumamang matigas na bagay sa kanyang ulo. Kaya inilibot niya ang paningin ngunit wala siyang makita kung sinong bumato sa kanya. Muntik na siyang madapa nang iharang ni Kenard ang paa sa dinadaanan niya.
Agad naman siyang nahawakan ni Lauriz para di tuluyang matumba. "Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Lauriz sa kanya.
"Ah, oo." Sagot niya pero napapakunot ang noo makita ang maniquin na may shades at sumbrero. Nakajacket at may scarf pa sa leeg. Nakapamulsa pa ito.
"Sayang, di natuluyan." Bulong ni Kenard sa sarili.
Nagtapon naman ng marbles si Rick sa dinadaanan ni Nat. Naapakan naman ito ni Nat na ikinatumba nito at ikinangise ni Rick. "Hahaha! Buti nga—" di natapos ang pagpapakasaya dahil kay Lauriz ito natumba.
"Ay! Mali diskarte ko. Nakachansing ang loko." Sambit niya na nakagapang sa sahig para di makita.
Natigilan si Rick dahil sa pares ng mga paang nakaharang sa dinadaanan niya. Inangat niya ang paningin na ikinasinghap ng babaeng kaharap niya. Nakadress kasi ito at nakikita niya ang panty.
"Bastos!" Sigaw ng babae at nasipa siya.
"Ouch! Miss, nadapa lang ako. Sorry okay?" Paliwanag niya rito. Kumalma naman ang babae at agad umalis.
BINABASA MO ANG
My Playful Campus Queen (Completed)
Teen FictionA childish campus queen meets the arrogant campus celebrity. Childish, mapagbiro at makulit. Tatanga-tanga at palaging dinadaan ang lahat sa biro. Mga katangian na ayaw ng arogante at seryosong campus celebrity. Kaya lang paano kung mahuhulog siya s...