Chapter 9: Pahatid sundo

892 67 1
                                    

Chapter 9: Pahatid-sundo


=======


Lauriz p.o.v

Nandito na kami sa hapag kainan.

"Bukas pahatid ka na sa kuya mo sa school." Sabi ni papa na ikinatigil ko sa pagnguya.

"Pa, ayaw ko. Mangchi-chicks na naman yan don tapos ang dami na namang lalapit sa akin para manghingi ng number niya." Ganon kasi palage ang nangyayari 'pag hinahatid niya ako.

"Pwede ring ako nalang ang maghahatid sayo." Nakangising sabi ni papa na may pakindat-kindat pang nalalaman.

"Tuwang-tuwa ka naman kasing pagkamalang kuya ko. Pati guro ko kinikindat-" tinakpan niya agad ang bibig ko.

"Cool ka lang. May nagseselos." Sabay sulyap kay mama na seryoso sa pagkain.

"Ako magseselos? Tse!" Irap ni mama. Ganyan yan. Masyadong denial.

"O, narinig mo yon? Ayos lang daw sa kanya. Ako nalang maghahatid sayo bukas kahit hanggang classroom nyo pa." Sabi pa niya na may pilyong ngiti sa labi.

Tiningnan naman siya ni mama na nanlilisik ang mga mata.

"Sige Raizyn. Ihatid din kita sa school nyo ha ba?" Sabi naman ni mama kay kuya Zyn. Biglang naibuga ni papa ang kinakain. All boys school ang pinapasukan ni kuya. Don siya pinag-aral dahil napakaplayboy niya. Para malayo-layo kunti sa tukso.

"Gantihan ganon? Hay, ang gwapo ko talaga. Ba't kasi di mo nalang sabihing, no bhabe, nagseselos ako." Sabi naman ni papa at sinuklay pa ang buhok gamit ang daliri.

"Buti nalang kay mama ako nagmana. Pag nagkataong kay papa ako nagmana di na ako magkakagirlfriend kahit kailan dahil sa kahanginan ko." Sabi ni kuya bago sumubong muli.

"Ako nga din eh. Buti nalang sa police dog ako nagmana at di sa ama mo. Kasi pag nangyari yun tinangay na kayo sa kahanginan ko." Sinamaan kami ng tingin ni papa.

"Bhabe! Saan ba nagmana iyang mga anak mo at ang sasama nila sa akin?" Nakapout niyang tanong.

"Tinatanong pa ba yan? Sino bang baliw sa ating dalawa? Di ba ikaw?" Seryosong sagot ni mama.

"Ouch! Ansaakeet! Sayo lang kaya ako baliw." Pagdrama ni papa na may paiyak-iyak pa pero wala namang luha. "Ang sakit ng dibdib ko. Kaya... Mas mabuti pang... Mas mabuti pang... Ikain ko nalang lahat to." Dagdag niya pa at sunod-sunod na sumubo. Natawa nalang kami. Si mama ngumiti lang. Minsan mga baliw kami tulad nito. Nagbabarahan at nag-aasaran. Minsan naman seryoso.

My Playful Campus Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon