Lauriz p.o.v
Hay, sa wakas. Nakita ko na ulit ang pinakamamahal kong teacher. Nakatitig lamang ako kay Sir Rellian habang nakapangalumbaba sa mesa.
"Ang cute-cute talaga ni Sir. Ang gwapo-gwapo pa." Bubulong-bulong ko.
Sina Brin seryoso ding nakatingin kay Sir na nag-eexplain. Kala mo naman nakikinig, pero yung totoo nasa ibayong dagat ang mga utak niyan. Pustahan tayo.
"Rellian. Kailan ba magiging tayo?" Pabulong ko ulit na sambit. Syempre joke lang. Di ako papatol sa teacher ko no. Binibiro, always pero kapag totohanin never.
May sumipa sa aking upuan. Kanina pa itong sumisipa sa upuan ko. Namimihasa na talaga tong lalaking to. Di ko pinansin. Patuloy lamang ako sa pagdi-dreamy face habang sinasambit ang pangalan ni Sir Rellian.
"Sir. Be mine only." Sambit kong muli.
"Ingay."
Pake ba nitong lalaking ito? Bahala siya diyan. Ba't kasi ako lage ang napapansin? Umayos na lamang ako ng upo. Tumuwid at diretsong tumingin kay Sir na nagsusulat sa blackboard.
"Psst!" Di ko pinansin ang nag-psst sa likuran ko.
"Psst! Yung ulo mo." Pabulong nitong sabi. Bahala ka dyan.
Sipa.
Sipa ulit.
Nilingon ko na kasi kanina pa sinisipa ang aking upuan. Bakit kasi siya ang napunta rito sa likuran ko? Death glare! Iyun ang sinalubong ko sa kanya. Ngumuso siya na parang may tinuturo sa ilalim ng aking mesa. Inirapan ko lang siya at tumingin na sa harapan.
Sipa na naman na muntik ng ikasubsob ng aking mukha sa mesa. Nabweset na talaga ako kaya mabilis akong lumingon at hinampas ang aking notebook sa kanyang ulo. Saka muling tumingin sa harap na parang walang ginawa.
"Si boss nahampas. Pfft!" Rinig kong bulong nitong Jesthon na parang pinipigilan pang matawa.
Ilang sandali pa'y may tumama sa aking ulo. Hinayaan ko nalang. Di naman masakit kasi crampled paper lang. Ilang sandali pa'y may palad na humarang sa aking mga mata. Tinampal ko lang sabay sabing "disturbo naman to."
"Huy! May pinapasagot sa atin si Sir. Nakatulala ka parin." Pukaw sa akin ni Brin. Don lang ako natauhan kaya kumuha na ako ng papel at bolpen saka nagsimula ng sumagot.
Madali lang naman eh. Ako tuloy ang pinakaunang magpasa ng papel. Bigla namang kumunot ang noo ni Sir makita ang papel ko.
"Miss Andrade?" Patanong niyang sabi.
"Tama naman ang mga sagot ko Sir ah." Sabi ko kasi naman, sigurado talaga akong tama ang sagot ko.
"Hindi yun. Bakit Rellious itong sinulat mo? Mrs. Lauriz Andrade Rellious?" Tanong niya pa.
"Ah yan ba? Kayo talaga Sir a, selos kayo agad. Wag mag-alala Sir dahil always number one kayo sa puso ko. Number two pagkain. Number three si Kenard melabs. Pang 100 si bebelabs Zynard ko." Sagot ko naman.
BINABASA MO ANG
My Playful Campus Queen (Completed)
Ficção AdolescenteA childish campus queen meets the arrogant campus celebrity. Childish, mapagbiro at makulit. Tatanga-tanga at palaging dinadaan ang lahat sa biro. Mga katangian na ayaw ng arogante at seryosong campus celebrity. Kaya lang paano kung mahuhulog siya s...
