Zynards P. O .VIkalawang activity na namin ito at partner ko parin ang shunga na to. Busy na ako sa kakagawa ng task namin tapos siya nakatunganga lang.
"Pag hindi mo nasagot yung number two. Di kita isasali sa grupo." Sabi ko sa kanya.
"Okay." Aba't yun lang ang sagot?
Kanino ba ako magpapa-drawing nito? Di ako magaling sa drawing eh. Kailangan kasi naming gumawa ng tula tapos lalagyan ng background na drawing. Kung ano yung inilalarawan o mensahe sa tula na isusulat namin iyun ang iguguhit namin.
Ayaw ko namang iasa sa partner kong to dahil kanina pa iba-iba ang ginuguhit niya. Mga stickman. May tao ngang ginuhit pero mukha namang buwaya. Pfft! May mukha pang unggoy.
"Uy! Wag mong pagtawanan ang drawing ko." Tinago pa sa likod. Umirap lang ako.
"10 minutes left!" Sabi ni teacher Kean. Kaya napatingin ako rito sa baliw kong partner. Mukhang babagsak yata ako dahil siya ang naging partner ko. Bakit siya pa kasi? Bakit di pa iba?
"Magsulat ka na nga. Wag ako ang tingnan mo." Sigaw ni Jesthon sa baliw ring partner. Pero yung loko namumula. Naiilang ang lolo niyo kaya lalong inasar.
"Uy! Namumula siya. Baka sa halip na yung tungkol sa tuka ang idu-draw mo yung maganda ko pang mukha ang malagay mo dyan." Nakangising sagot nong Maiz este Amariz.
"Kung mukha mo lang ang idu-draw ko, di bale ng bumagsak ako. Dahil bagsak din naman ang punta ko. Mukha mo palang eh bagsak na tayo. Bagsak na ako sayo." Sagot din ng gago. Na binulong yung huli kaya di namin naintindihan sa sobrang hina.
"Asus! Baka mamaya pati sa pagpikit mo hitsura ko ang makikita mo. Amin-amin din. Ako nga inaamin kong cute ako. Hahaha!" Sabi pa ni Amariz sabay tawa.
Tung partner ko naman kinuha yung librong hawak ko.
"Wala ka pang naisulat na tula?" Tanong niya.
Anong akala niya kopya lang to, walang gamitan ng isip para diretso sulat tapos ayan meron na agad? Kung tulungan kaya niya akong mag-isip kung ano ang gagawin naming tula sa ingles?
"Aba, kasalanan ko bang ako lang ang kumikilos rito." I said mockingly.
"Ba't di mo nalang sabihing di mo kaya." Sagot din niya.
"Nagsalita ang matalino kong partner." Hindi na siya sumagot at nagsulat na sa scratch paper.
"Everyday in a far away highway..." Basa ko sa sinulat niya. Yung poem dapat ay related daw sa qoute na Love in Vain o ba kaya unrequitted love or waiting someone to love me. Ewan kung anong trip ng guro naming to.
BINABASA MO ANG
My Playful Campus Queen (Completed)
Novela JuvenilA childish campus queen meets the arrogant campus celebrity. Childish, mapagbiro at makulit. Tatanga-tanga at palaging dinadaan ang lahat sa biro. Mga katangian na ayaw ng arogante at seryosong campus celebrity. Kaya lang paano kung mahuhulog siya s...