Lauriz p.o.v"Ang sarap-sarap bugbugin ng isang yun. Kala mo naman gwapo... Porket gwapo lang." Baliw na nga talaga itong Amariz na to. Kala mo naman daw gwapo tapos gwapo lang? Ano yun? New word of the day?
"Ano bang pinuputak-putak mo dyan?" Tanong ko habang nakasandal sa pader.
"Ang feeling-feeling kasi nong Litson na yun. Kala mo kung sino. Sabihan ba naman daw akong stupid na walang common sense?" Inis niyang sagot. Halatang naiirita siya ah. Sino din ba yang litsong tinutukoy niya?
"Nakakainis din yung isa, iyung Fleus na yun. Panay pa-cute eh di naman cute." Sabi naman ni Brinella. Gets ko na. Yung mga transferee pala ang tinutukoy ng mga to.
"Ayaw mo non, pinapacute-tan ka." Sagot ni Amariz.
"Buti sana kung sa akin e sa iba naman." Sabay ikot ng kanyang mata.
"Kaya ka naman pala badtrip." Sagot kong natawa nalang ng bahagya sa sagot niya.
"Lauriz. Nagugutom na ako. Wala akong dalang pagkain." Sabi ni Amariz sabay kalabit sa akin.
Di pa nga pala kami nakakakain. "Tara na sa cafeteria." Wala akong dalang baon ngayon. Nagkataong si Brinella lang ang nagdala ng baon sa amin.
Habang naglalakad sa hallway, pansin mong nagtataka ang mga estudyante nang makita kami. Madalang nga kasi kaming pumunta sa cafeteria. Mga twice a month lamang yata.
Pagpasok namin sa cafeteria lahat ay makikitaan ng gulat at pagtataka ang mga mata. Pero napakunot ang aking noo dahil iba na naman ang arrangement ng buong paligid. At may mga print pa ang ibang mesa.
Bakit may mga nakasulat ng elites, celebrities at royals ang mga mesang to? Gold ang kulay ng mesang may nakasulat na royal. Scarlet red ang kulay sa mesang may nakasulat ng celebrities. Tapos silver ang may sulat na elites. Infairness, maganda at makintab. Maayos ang pagkakasulat at maganda ang pagkakadisenyo ng inukit-ukit nila sa mesa. May flowers, dragon at kung ano-ano pa.
Umupo kami sa may nakalagay na cute as always. Grabe naman to. Sino bang naglalagay ng mga ganitong mga kaek-ekan?
"Kuha lang ako ng food natin." Sabi ko sa dalawa na busy sa pagbabasa at pagsusuri sa iba pang mga nakasulat sa mga mesa.
Mahaba ang pila. Bakit pati sa pagpila may royal, celebrity, elite at ordinary pang nakalagay? Yung mga sporty students sa may nakalabel na sports sila pumila. Siguro para di na sila magkagulo? Ayos naman to kung para di na magkakagulo. Marami rin kasing mga estudyanting dito sa cafeteria kumakain.
Mukhang marami-rami narin akong nakikitang mga bagong mukha. Marami-rami naring mga transferee ah. Di ako updated.
"Hoy! Don ka nga pumila. Don yung mga ordinary." Sabay tulak ng isang guy na nakapila sa may elite section sa isang lalaking pamilyar sa akin. Well, si Nat lang naman.
Naglakad ako palapit sa counter at pinagmasdan ang mga nag-aasikaso sa mga bumibiling mga estudyante. Bakit isa lang ang nagsi-serve sa mga ibang estudyante na may label na ordinary? May tatlo sa may elites then apat sa may celebrity at lima sa may royals. Hindi lang yun, masasarap ang sene-serve sa mga royals at iba pa maliban sa ordinary students.
BINABASA MO ANG
My Playful Campus Queen (Completed)
Roman pour AdolescentsA childish campus queen meets the arrogant campus celebrity. Childish, mapagbiro at makulit. Tatanga-tanga at palaging dinadaan ang lahat sa biro. Mga katangian na ayaw ng arogante at seryosong campus celebrity. Kaya lang paano kung mahuhulog siya s...