Chapter 41: Zynard's side

834 50 0
                                        


Zynards p.o.v

"Huy! Zynard! Ilang araw ka ng ganyan." Pukaw sa akin ni Fleus. "Palage ka nalang nakatulala." Dagdag niya pa.

Alangan namang magsasaya ako? Ilang buwan narin ang lumipas magmula nong umalis sina Lauriz. Sumunod din ang dalawa pa niyang mga kabigan at hanggang ngayon wala na kaming balita kung nasaan na sila. Ang sabi-sabi sa States daw sila nagpunta pero no'ng magpaimbistiga kami at pinahanap sila, wala raw sila sa lugar na iyon.

Si Kolen naman, magkaibigan na lamang kami pero hindi na kasing close ng dati. Si Miss Elsie, matapos mapahiya ay bigla naring naglaho. Sa pagkakaalam ko, bumagsak daw bigla ang kanilang kompanya. Medyo nagulo din ang career niya dahil isa pala siya sa nagpakana sa lahat ng paninira kay Lauriz.

"Namimiss ko na si Amariz ko."  Sabi ni Jesthon na nakanguso pa na kala mo inagawan ng kendi.

"Maka ko ka naman, akala mo sinagot." Sagot naman ni Froiland.

"Kung manahimik na kaya kayo d'yan, at ng makatulog na ako." Inis na sabi ni Loiden na nakahiga sa couch.

Nagsipagtahimik naman agad sila. Ako naman naalala ang unang araw ng pagpasok namin sa paaralang ito.

Flashback...

"Maraming ibang mga babae diyan. Bakit mo ba sinisira ang buhay mo sa isang babaeng hindi ikaw ang gusto." Sermon ni daddy sa akin.

"Kolen is my life and she's my everything dad." Sagot ko din.

"But you're not the one she loved. Why can't you accept the fact that she doesn't love you anymore?" Galit na sabi ni Dad.

"May bago akong school na nakita. Sa school na to, sigurado akong makakalimutan mo na ang babaeng yun. Huwag mong tangkaing gumawang muli ng kalokohan para lamang mapatalsik ka sa paaralan." I just rolled my eyes. Sigurado naman akong di ako aabot ng ilang buwan doon. Sa bawat school na napupuntahan namin, kinababaliwan kami ng mga kababaihan at kinaiinggitan naman ng mga kalalakihan kaya madalas kaming hinahamon ng away.

Hindi rin kami makapagpokus sa pag-aaral dahil sa mga babaeng kala mo linta kung makadikit. Nakakairita.

Nagtungo na ako sa sinsabing bagong school ko raw. Ang L.A Academy. Pagdating ko sa nasabing school ay ipinark ko agad ang kotse kasunod sa mga kotse nina Jesthon. Parehong mga black ang kotseng gamit namin ngayon. Hindi na muna ako bumaba kasi tinatamad ako at wala akong ganang pumasok. Nakita ko ang tatlong mga nagtatawanang mga babae na papalapit sa kinaroroonan ko.

My Playful Campus Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon